'New look' ni Annabelle Rama, aprub sa mga netizens: 'Mas bumata ka po' | Bandera

‘New look’ ni Annabelle Rama, aprub sa mga netizens: ‘Mas bumata ka po’

Therese Arceo - October 29, 2022 - 04:30 PM

Annabelle Rama new look, aprub sa mga netizens: 'Mas bumata ka po'
HINDI agad nakilala ng madlang pipol ang dating aktres at talent manager na si Annabelle Rama nang mag-post ito sa social media.

Marami kasi ang napa-wow at napahanga sa bagong look ng ina nina Ruffa Gutierrez na nag-celebrate kamakailan ng kanyang ika-70th birthday.

Sa Lunes, October 31 pa talaga ang kaarawan ni Annabelle ngunit nagkaroon na ito ng celebration na talaga namang star-studded at dinaluhan ng napakaraming celebrities.

Ilan sa mga makikitang present sa kanyang birthday party ay sina Richard Gomez, Ian Veneracion, Willie Revillame, Iza Calzado, Maja Salvador, Herbert Bautista, at marami pang iba.

Nitong Biyernes, October 28, ay nag-upload ng videos at pictures si Annabelle na kuha sa kanyang nagdaang party pati na rin ang kanyang unboxing sa mga natanggap niyang regalo.

Tila nga hindi makilala ang dating aktres dahil tila mas bumata at mas bumagay ang bago nitong hairstyle sa kanya dahilan para mas magmukhang “young” and “fresh” ang asawa ni Eddie Gutierrez.

“I would like to thank my friends and my sponsors for my birthday party last night, it was a huge success! I just woke up. Napuyat ako last night,” pagbabahagi ni Annabelle.

Aniya, ayaw pa nga raw umalis ng kanyang mga guests dahil talagang nag-enjoy ang mga ito.

Nagpasalamat rin si Annabelle sa lahat ng mga dumalo sa kanyang party.

“Sa lahat ng nagpunta maraming maraming salamat. Especially sa mga superstar na hindi niyo laging nakikita sa mga parties.

Sa lahat ng nag perform, Vina Morales, Karla Estrada, Sarah Lahbati, and Angeline Quinto. Sa sexy dance Regine Tolentino, and my surprise guest singer, my apo, Venice Bektas. Ang galing! Pwede na kitang i-manage — hindi ako mapapahiya,” sey pa ni Annabelle.

Pahabol pa nito, “To all my friends who came to celebrate with me, a million thanks to all. I hope you enjoyed!”

Nagpasalamat rin si Annabelle sa kanyang pamilya sa patuloy nitong pagmamahal sa kanya.

“To my one and only love of my life, Eduardo Gutierrez, mahal kita forever and ever.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Annabelle Rama (@annabelleramaig)

To my family, the Gutierrezes and the Rama’s, thank you for your love and support. You are my source of joy and happiness.”

Hirit pa ni Annabelle, “Cheers to me celebrating my 70th birthday surrounded by family and loved ones.”

Hindi naman napigilan ng mga netizens ang mag-comment sa post ng talent manager.

“You look so young and fresh.”

“Ganda nyo po parang 40’s lang di ko po kayo nakilala.”

“Hindi ko akalain na ikaw nasa video until nadinig ko boses mo.”

“Mas bumata ka po sa looks nyo.”

Related Chika:
Annabelle Rama ibinuking kung sino ang ka-text ni Ruffa sa ‘It’s Showtime’

Annabelle Rama ipinagtanggol si Jinkee laban sa reporter na ‘mapanira at mukhang pera’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Annabelle Rama muling ibinuking si Ruffa: Every day ka nang umiiyak

Jayke Joson hinamon si Annabelle Rama na maglabas ng ebidensiya: Or I will sue them in court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending