Barbie Imperial nag-share ng bible verse, may konek kay Richard?

Barbie Imperial nag-share ng bible verse, may konek nga ba kay Richard?

Therese Arceo - June 01, 2024 - 10:02 PM

Barbie Imperial nag-share ng bible verse, may konek kay Richard?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang aktres na si Barbie Imperial matapos kumalat ang chikang iniuugnay siya sa kapwa aktor na si Richard Gutierrez.

Kaya naman mas lalo pang umingay ang pangalan ng dalaga dahil may mga nang-iintriga na baka may kinalaman ang ibinahagi niyang bible verse sa sitwasyong kinasasangkutan.

Ang ibinahaging bible verse ni Barbie ay mula sa John 16:13 ng New International Version (NIV).

“But when he, the Spirit of truth, comes, he will guide you into all the truth. He will not speak on his own; he will speak only what he hears, and he will tell you what is yet to come,” pagbabahagi ng dalaga.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, Barbie Imperial iniintrigang magkasama

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Marami sa mga netizens ang naghihinuha kung ito raw ba ay may kinalaman sa kanilang sitwasyon ni Richard.

Matatandaang ilang buwan buhat nang magsimula ang taong 2024 ay naiintriga na sina Barbie at Richard matapos silang maispatang magkasama sa isang bar sa Alabang.

Ngunit base naman sa ini-report ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ay wala naman raw itong katotohanan.

Ngunit ngayong buwan ay muli na namang nabuhay ang isyu matapos makita sina Richard at Barbie na magkasamang nagbabakasyon sa South Korea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga Pinoy na nakakita at nagpa-picture sa dalawa ay ibinahagi ito sa social media.

At sa nagdaang episode ng “Showbiz Update” ni Ogie Diaz ay kinumpirma nito na exclusively dating na sina Richard at Barbie.

Samantala, wala pa namang pahayag o reaksyon ang dalawa hinggil sa usaping ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending