Sarah, Richard 'co-parenting' sa 2 anak

Sarah, Richard ‘co-parenting’ sa 2 anak, sey ni Esther Lahbati

Ervin Santiago |December 27,2023
facebook
share this

Sarah, Richard ‘co-parenting’ sa 2 anak, sey ni Esther Lahbati

Ervin Santiago - December 27, 2023 - 11:24 AM

Buking kay Esther Lahbati: Sarah, Richard 'co-parenting' sa 2 anak

Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, Zion at Kai Gutierrez

PARA sa mga fans nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, hindi na kailangan pa ng diretsahang pag-amin tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Reading between the lines, parang kinumpirma na rin ng nanay ni Sarah na si Esther Lahbati sa kanyang Instagram post na totoong nagkanya-kanya na ng landas ang celebrity couple.

Nag-post kasi si Sarah sa IG nitong nagdaang Pasko, December 25, ng litrato niya kasama ang mga anak nila ni Richard na sina Zion at Kai Gutierrez.

Ang tanging caption na inilagay ng aktres sa naturang Christmas photo ay mga hands at praying emojis na tila may pinagdaraanan pa rin hanggang ngayon sa gitna nga ng breakup issue nila ni Richard.

Sa comments section ng IG post ni Sarah ay maraming nagkomento at nagtanong hinggil sa tunay na estado nila ng asawang si Richard at kung saan nagdiwang ng Pasko ang mag-iina.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

Tanong ng isang netizen, “Pre recorded video ba to? O nsa japan tlga mga bata?” Hindi sumagot si Sarah pero ang nanay niya ang nagsabing kasama ng aktres ang dalawang anak noong Christmas eve.

Sabi ni Esther, “Na kay Sarah sina Zion at Kai. Live na Live with the family of Sarah. Co parenting sila ng tatay.”

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ginagamit ang salitang “co-parenting” sa mga mag-asawang nagkahiwalay pero nagkasundo sa maayos na pagpapalaki at pag-aalaga sa kanilang mga anak.

Kung matatandaan, nasabi ng nanay ni Richard na si Annabelle Rama na makakasama nila ang kanyang mga apo sa Japan kung saan sila magpa-Pasko at magba-Bagong Taon pero “minus one lang” daw na ang tinutukoy ay si Sarah nga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Komento ng isa pang IG follower ni Sarah, “You deserve more. The Gutierrez family is not good for you’re well-being, they’re toxic like the Kardashan’s or wanna be Kardashan’s clan. Your tribe will be your #1 support and hold on to that. Don’t settle for less. If Richard can let you go like that.. then, he is not a man of worth. Woman, you are enough. #realtalk.”

Um-agree naman dito ang nanay ni Sarah gamit ang raising hands at applause emojis sa kanyang comment.

Baka Bet Mo: Tatay ni Sarah Lahbati tinira ang nagbabayad para magpakalat ng fake news

Sey ng isa pang netizen, “Sana bago ibuka ni Annabelle bunganga niya isipin sana niya epikto nang mga nastiness niya sa mga bata , parang excited siya may mga masasamang pangyayari sa mga pamilya at pa interbyo siya agad, unfortunately her son was hiding behind her skirt how sad , be strong Sarah.”

Sagot ni Esther Lahbati, “Kaya nga eh. (slightly frowning face emoji).”

Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang sagot si Tita Annabelle sa mga pahayag ni Esther Lahbati.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig nina Sarah at Richard tungkol sa kanilang breakup. Umaasa naman ang kanilang mga supporters na sana’y pwede pang ayusin ang kanilang problema at magkabalikan na para sa kanilang mga anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending