Tatay ni Sarah tinira ang nagbabayad para magkalat ng fake news

Tatay ni Sarah Lahbati tinira ang nagbabayad para magpakalat ng fake news

Ervin Santiago |December 19,2023
facebook
share this

Tatay ni Sarah Lahbati tinira ang nagbabayad para magpakalat ng fake news

Ervin Santiago - December 19, 2023 - 07:20 AM

Tatay ni Sarah Lahbati tinira ang nagbabayad para magpakalat ng fake news

Richard Gutierrez at Sarah Lahbati

AYAW pa ring paawat ang tatay ni Sarah Lahbati sa pagpaparinig sa mga taong patuloy daw na nagpapakalat ng fake news sa publiko.

Sa bagong cryptic post ni Abdel Lahbati nitong nagdaang Linggo, December 17, muli niyang pinaratangan ang isang tao na nagbabayad pa umano para magkalat ng pekeng balita.

Hindi nagbanggit ng pangalan ang tatay ni Sarah sa kanyang patutsada pero ang paniwala nga ng mga netizens ay may konek pa rin ito sa breakup ng kanyang anak at ni Richard Gutierrez.

“Until now we’re just quite ignoring some barking dogs but someone doesn’t want to stop talking about this issue, she’s even spending money to spread fake news, we choose to spend money to enjoy our life.

“Thanks to everyone for your love and support for Sarah. Wishing you and your family peace, health, happiness and prosperity in the coming year, Mery (sic) Christmas,” ang nakasaad sa post ni Abdel.

Mababasa naman sa social media post ng nanay ni Richard na si Annabelle Rama nito ring nakaraang Linggo, ang pagpapasalamat niya sa mga taong naniniwala at sumusuporta sa kanya pati na sa anak niyang si Richard.

Natutuwa raw siya sa mga nakausap nila ng asawang si Eddie Gutierrez nang bumisita sila sa bagong bahay sa General Santos City ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Maraming mga good messages at greetings na sinabi sa akin ramdam ko ang pagmamahal ng tao kaya salamat sa inyong lahat.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

“Huwag ko na raw pansinin ang mga fake news dahil hindi sila naniniwala especially sa idol nilang si Richard, alam n’yo na kung saan galing ang mga fake news.

“Hindi ko na babanggitin ang inggetera, mamatay ka sa inggit dahil alam ng tao kung anu ang totoo, matatalino sila,” ang pagbabahagi ng matapang na talent manager na wala ring nabanggit na pangalan.

Ngunit base sa reaksyon ng mga netizens, mukhang pa rin ito sa mga magulang ni Sarah.

Ilang linggo nang hot topic ng mga Marites all over the universe ang hiwalayang Sarah at Richard pero until now ay hindi pa rin nagsasalita ang mag-asawa.

Tanging si Tita Annabelle lamang ang nagsasalita sa kampo ni Richard ng tungkol dito.

“Mga Chismosang Marites!! Tigilan nyo na ang gumawa ng maling kwento. Lahat ng lumabas sa sosyal media is all fake news. Wag nyo ng dagdagan ang mga maling balita malalaman nyo rin ang katotohanan in due time.

“Baka ma shock kayo at hindi na ako ang lalabas na kontrabida. Malalaman niyo kung sino ang walang hiya na kontrabida. Mali ang bentang nyo sa akin.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati tinawanan ang ‘waldas pa more’ comment ng netizen

“Sino ba ang may gustong mag hiwalay sila. Ako ba? Or ang mag ina. Wag nyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari ang bilis.

“Nagulat nalang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag umpisa ang malaking gulo. Wag nyo ibagsak sa akin ang sisi.

“Kung hindi ako pinag bawalan ng lawyer na magsalita. Mag enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin kung kwento. Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Basta ako ayaw ko silang mag hiwalay . Dahil mahal ko ang mga apo ko,” lahad pa ni Annabelle Rama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending