Angel pinaratangan nang manawagan para sa matalinong pagboto: Huwag n'yong bolahin ang mga tao! | Bandera

Angel pinaratangan nang manawagan para sa matalinong pagboto: Huwag n’yong bolahin ang mga tao!

Ervin Santiago |February 10,2022
facebook
share this

Angel pinaratangan nang manawagan para sa matalinong pagboto: Huwag n’yong bolahin ang mga tao!

Ervin Santiago - February 10, 2022 - 06:52 AM

Angel Locsin

“NAKAKASUKA kayo!” Ito ang matapang na komento ng isang netizen sa panawagan ni Angel Locsin na bumoto nang tama at kilalaning mabuti ang mga kandidato.

Ayon sa nasabing Instagram user, huwag nang bolahin nina Angel ang publiko dahil puro pansariling interes lang din naman daw ang kanilang isinusulong.

Aniya, pera-pera lang umano ang ipinaglalaban ng Kapamilya actress at ng iba pang celebrities kaya patuloy na nag-iingay ang mga ito ngayong panahon ng eleksiyon.

Mababasa sa Instagram page ni Angel ang kanyang panawagan tungkol sa nalalapit nang presidential elections. Aniya, “Ngayong simula na ang kampanya, At ang mga pulitiko are putting their best foot forward, PLEASE LANG — Kilatising mabuti ang bawat pulitiko.

“Huwag bumoto ng may bahid ng kurapsyon, Sinungaling, Nagmamanipula ng batas, Tamad, Malabo at hindi makatotohanang plano sa bansa.

“Kaya kung napasaya ko man kayo kahit paano, o kahit para sa sarili nyo na lang, please lang, VOTE RIGHTLY! Pag isipan rin kung sino ang susuportahan!” pahayag pa ng asawa ng movie producer na si Neil Arce.

View this post on Instagram

A post shared by Angel Locsin-Arce (@therealangellocsin)


In fairness, marami namang sumang-ayon sa mga ipinaglababan ang aktres at TV host at nangakong magiging wais sila sa pagboto ng susunod na mga leader ng bansa.

Pero may isa ngang IG user na na-post ng malisyosong akusasyon tungkol sa kanyang pinaninindigan pagdating sa painit na nang painit na usaping politika.

“Huwag niyo bulahin ang tao! Gusto niyo sumama tao sa inyu dahil gusto niyo lang naman interest niyo para muling kumita ng pera! Nakakasuka kayu (vomiting emoji),” ang walang pakundangang komento ng hater.

Ngunit sa halip na pagsalitaan din ng masama at maaanghang na salita ang netizen, marespeto siyang sinagot ng aktres.

Pakiusap niya rito, intindihing mabuti ang kanyang mga sinabi, “Yung statement na ganito ay hindi pagkakakitaan.”

“Eto’y para sa lahat (smiley) stop the hatred, hindi tayo magkaaway at hindi dapat magaway,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tulad ng ibang Kapamilya stars, lantaran din ang pagsuporta ng Kapamilya actress sa presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.

Angel Locsin hinikayat ang publiko na kilatising mabuti ang politiko: Para sa sarili n’yo

Dimples emosyonal nang mabasa ang sulat ng anak na naka-graduate na sa high school

Carlo sa mga walang-awang bashers: Bakit naman pati mga sanggol na walang kalaban-laban?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending