Sarah Lahbati tinawanan ang ‘waldas pa more’ comment

Sarah Lahbati tinawanan ang ‘waldas pa more’ comment ng netizen

Pauline del Rosario |December 14,2023
facebook
share this

Sarah Lahbati tinawanan ang ‘waldas pa more’ comment ng netizen

Pauline del Rosario - December 14, 2023 - 10:40 AM

Sarah Lahbati tinawanan ang ‘waldas pa more’ comment ng netizen

PHOTO: Instagram/@sarahlahbati

TRENDING ang naging reaksyon ng model-actress na si Sarah Lahbati matapos biruin ng isang netizen sa kanyang latest social media post.

Sa Instagram, ibinandera ni Sarah ang isang video na makikitang pino-promote niya ang ilang produkto ng luxury brand na Gucci, katulad ng bag, scarf, pabago at sunglasses.

Caption pa niya sa post, “treat yourself this holiday season @gucci [smiling face with hearts emoji].”

Baka Bet Mo: Sarah never binastos ang mga magulang ni Richard: ‘Beware of fake news!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Iba-iba ang naging reaksyon ng netizens at karamihan sa kanila ay nagbiro patungkol sa pagwawaldas ng pera ni Sarah.

“Waldas pa more [laughing emoji],” sey ng isang IG user.

Ni-replyan naman ‘yan mismo ni Sarah na kung saan ay tinag niya ang nagkomento with laughing emoji.

Sarah Lahbati tinawanan ang ‘waldas pa more’ comment ng netizen

Hindi na namin makita ang komento ng netizen at reply ni Sarah, pero marami ang nakapag-screenshot nito na agad namang nag-trending sa social media.

Kung maaalala, naging kontrobersyal ang naging patama ng mother-in-law ng aktres na si Annabelle Rama na kung saan nagbitiw ito ng pahayag patungkol sa kanyang anak na si Richard Gutierrez na trabaho nang trabaho, habang ang isa raw ay malakas gumastos.

“Mahirap sa kanya (kay Richard) kasi unang-una, trabaho siya nang trabaho. Wala siyang ibang ginawa kundi magtrabaho. Pagdating niya sa Manila, hindi niya alam bakit nagkaroon ng gulo… Mag-antay na lang kayo kasi malalaman n’yo rin. Not now,” lahad ng ina ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ni Annabelle, “Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na yan. Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera. ‘Yun lang ang masasabi ko diyan.”

Matatandaang last month lang nang umugong ang balitang tila hiwalay na sina Sarah at Richard matapos mapansin ng mga netizens na hindi na nagpo-post ng mga larawan na magkasama ang dalawa sa social media.

Hanggang ngayon, wala pa ring opisyal na pahayag ang mag-asawa kung totoo ang mga chikang hiwalay na sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending