Sarah never binastos ang mga magulang ni Richard

Sarah never binastos ang mga magulang ni Richard: ‘Beware of fake news!’

Ervin Santiago |December 12,2023
facebook
share this

Sarah never binastos ang mga magulang ni Richard: ‘Beware of fake news!’

Ervin Santiago - December 12, 2023 - 09:29 AM

Sarah never binastos ang mga magulang ni Richard: 'Beware of fake news!'

Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

KALAT na kalat na ngayon sa social media ang chikang pinagsalitaan umano ng masama ni Sarah Lahbati ang mga magulang ni Richard Gutierrez.

Pinagpiyestahan ng mga Marites ang isang quote card sa Facebook kung saan sinabi raw ni Sarah na na-brainwash si Richard ng kanyang mga in-laws si Richard kaya bigla itong nagbago.

Nakasaad din sa naturang FB post na hindi rin daw inalagaan nang mabuti ng father-in-law niyang si Eddie Gutierrez ang asawa nitong si Annabelle Rama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Bukod dito, mababasa rin sa quote card ang umano’y payo ni Sarah na dapat kilalanin muna ang kanilang magiging in-laws bago mag-asawa.

Baka Bet Mo: Kim walang nagawang sablay para tsugihin sa ‘Showtime’; Andrea nagpaka-drag queen

Narito ang kabuuang mensahe na nakasulat sa quote card, “I’m grateful that I married Richard because he’s truly husband material and a father figure.

“It seems he got brainwashed, that’s why he changed. I can’t stand the fact that my mother-in-law, you’d think, was not well taken care of by her husband before.

“My advice to those planning to get married, get to know your future in-laws so you won’t end up like me.

Pero nang i-check namin ito uli sa FB ay burado na.

At kahapon nga, sa kanyang Instagram broadcast channel, mariing itinanggi ni Sarah na galing sa kanya ang naturang statement, meaning isa na naman itong malaking “fake news”.

Pahayag ng aktres, “Hey everyone! Just wanted to clear something and this is the last time (hopefully) that I’ll have to do this.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Please beware of fake news. I never said this,” aniya pa patungkol sa kumalat na pekeng quote card.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati ipinasilip ang hubad na katawan ni Richard Gutierrez, sabay hirit ng, ‘What’s for dinner?’

Hanggang ngayon ay ayaw pa ring magsalita nina Sarah at Richard tungkol sa chikang matagal na silang hiwalay. Tanging si Tita Annabelle pa lang ang nagbigay ng kanyang saloobin sa isyu.

Ayon sa talent manager at celebrity mom, habang work daw nang work ang kanyang anak ay tila nagwawaldas naman umano ng pera si Sarah.

“Hindi pa ako pwedeng magsalita e. Basta sabihin ko sa ‘yo, si Richard nasa akin ngayon. Ang mga bata (Zion at Kai) na kay Richard.

“Mahirap sa kanya kasi unang-una, trabaho siya nang trabaho. Wala siyang ibang ginawa kundi magtrabaho. Pagdating niya sa Manila, hindi niya alam bakit nagkaroon ng gulo… Mag-antay na lang kayo kasi malalaman n’yo rin. Not now,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natanong nga ang talent manager kung totoo nga ba ang balitang malakas gumastos si Sarah, “Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na yan. Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera. ‘Yun lang ang masasabi ko diyan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending