Anak ni Tito Sen na si Lala Sotto itinalaga ni Bongbong Marcos bilang bagong MTRCB chair | Bandera

Anak ni Tito Sen na si Lala Sotto itinalaga ni Bongbong Marcos bilang bagong MTRCB chair

Ervin Santiago - July 07, 2022 - 05:29 PM

Lala Sotto-Antonio at Bongbong Marcos

NANUMPA na ang anak ni dating  Senate President Tito Sotto na si Lala Sotto-Antonio bilang bagong chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Si Lala ang nadagdag sa mga bagong appointees ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ilang araw pa lamang matapos ang inagurasyon nito bilang Pangulo ng bansa.

Sa kanyang social media accounts, ibinahagi ni Lala ang ilan niyang litrato matapos ang naganap na oathtaking kanina sa Palasyo ng Malacañang.

Siya ang pumalit sa dating chairman of the board na si Atty. Jeremiah Jaro.

“Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagtatalaga sa akin bilang kinatawan o chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board,” ang bahagi ng speech ni Lala.

Bago na-appoing bilang bagong chairperson ng MTRCB, nagsilbi muna si Lala bilang Quezon City councilor sa loob ng 18 years.

Tumakbo siya last May 9 elections bilang second nominee ng AGAP Party-list (bilang representante ng mga magsasaka) ngunit isang pwesto lamang ang nakuha nila para sa  19th Congress.

Nagbahagi rin ng mensahe ang ama ni Chair Lala na si Tito Sen sa bago nitong posisyon sa gobyerno.

“Thanking the President for the trust and confidence. I believe she will do well given her background.

“Besides, she has two excellent women former chairpersons to emulate, Sen. Grace Poe and Congresswoman Rachel Arenas,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/291959/3-direktor-ng-viva-hindi-pabor-na-makialam-ang-mtrcb-sa-mga-pelikula-sa-digital-platforms

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/317822/pag-alis-ni-liza-dino-bilang-chairperson-ng-fdcp-ikinalungkot-ng-mga-taga-movie-industry
https://bandera.inquirer.net/301980/mga-sinehan-sa-ncr-bukas-pa-rin-sa-ilalim-ng-alert-level-3-mtrcb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending