Jennica nahihiyang aminin ang pangarap na makasama sa Pinoy version ng K-drama: 'Ngayon, ipagsasabi ko na para makapag-audition po ako' | Bandera

Jennica nahihiyang aminin ang pangarap na makasama sa Pinoy version ng K-drama: ‘Ngayon, ipagsasabi ko na para makapag-audition po ako’

Ervin Santiago - April 09, 2023 - 07:15 AM

Jennica nahihiyang aminin ang pangarap na makasama sa Pinoy version ng K-drama: 'Ngayon, ipagsasabi ko na para makapag-audition po ako'

Jennica Garcia

ISA sa mga ultimate dream ng Kapamilya actress na si Jennica Garcia ay ang maging bahagi ng Filipino adaptation ng isang South Korean series.

Ayon sa aktres at celebrity mom, matagal na niyang pinapangarap na makasama sa isang Pinoy version ng sikat na K-drama dahil talagang adik na adik din siya sa mga South Korean series.

“Dati nahihiya po akong sabihin pero okay na sabihin ko na ito. I really want to star in a Korean adaptation series,” ang pag-amin ni Jennica sa panayam ng “Sakto.”

Handa raw siyang sumalang sa kahit anong audition sakaling may bagong gagawin ang ABS-CBN na Filipino adaptation ng mga sikat na K-Drama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica 🦋 (@jennicagarciaph)


“Ipagsasabi ko na para kapag may audition ay makapag-audition po ako,” sey ng aktres na napapanood ngayon sa hit Kapamilya series na “Dirty Linen” kung saan gumaganap siya bilang si Lala.

In fairness, hindi raw niya inakala na magiging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa kanyang pagbabalik-telebisyon. Natutuwa siya at nagpapasalamat sa patuloy na nanonood ng kanilang programa at sa pagsuporta sa karakter niyang si Lala.

Baka Bet Mo: MTRCB magkaroon na kaya ng powers sa ‘pagkatay’ ng mga sexy films sa online platform?

“Nakakagulat din po talaga. Ako rin mismo sobra akong natutuwa kung paano siya in-accept ng mga tao. Sulit po lahat po talaga ang pagod.

“‘Yung role po kasi ni Lala parang feeling ko po very fit siya for someone who wants to make a comeback in the industry,” lahad ni Jennica.

Sabi pa niya sa nasabing panayam, “Because of Lala’s many disguises I feel that I was able to show, I hope, that I am able to do different kinds of role dahil nga iba’t iba ‘yung disguise niya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica 🦋 (@jennicagarciaph)


Matatandaang sa naganap na presscon noon ng “Dirty Linen” emosyonal na inamin ni Jennica na siya talaga ang tumawag at nakipag-usap sa mga bossing ng Dreamscape Entertainment para mabigyan siya ng trabaho.

Aniya, pinayuhan siya ng kanyang inang si Jean Garcia na tawagan ang Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal, “Nu’ng time po na ‘yun naisip ko, sige ito na kakapalan ko na ‘yung mukha ko.

“Bale seven years po akong nag-artista. Seven years din po akong tumigil. Pagbalik ko po nakagawa ako ng isang proyekto tapos wala na pong sumunod and it was almost six months of no work,” paliwanag ni Jennica.

Plano na sana niyang mag-OFW noong wala na siyang natatanggap na offer sa mundo ng showbiz, “Iniisip ko na rin po nu’n na okay lang ‘pag ‘di ako mabigyan. Mag-o-OFW na lang po ako. Ito lang ang alam ko na trabaho e, ang pag-aartista. Ang isa ko na lang pong naiisip ay mag-ibang bansa.”

Hanggang sa dumating na nga ang pagkakataon na makabalik siya sa showbiz, “Alam ko na they didn’t think of me when our writers were making Lala into the character that she is today. Pinag-igihan ko po talaga kasi para sa akin ang dami kong kailangan patunayan at ayoko mapahiya si Sir Deo.

“Ang goal ko ang maiisip ng mga boss ko, ‘tama, dapat siya nga si Lala,'” ani Jennica.

Anak ni Tito Sen na si Lala Sotto itinalaga ni Bongbong Marcos bilang bagong MTRCB chair

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending