MTRCB magkaroon na kaya ng powers sa ‘pagkatay’ ng mga sexy films sa online platform?
NAKATSIKAHAN namin ang kilalang TV reporter na naka-interview sa bagong chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Lala Sotto-Antonio kamakailan.
Marami raw magagandang plano para sa ahensiya ang anak ni dating Sen. Tito Sotto at isa na nga rito ay ang plano ni Chair Lala tungkol sa mga pelikula o programang inilalabas sa online platform na hindi sakop ng MTRCB.
Nag-reach out na siya sa mga dapat kausapin tulad ng Netflix, Amazon Prime at pati ang Vivamax na numero unong nagpapalabas ng mga sexy films.
Sabi ng TV reporter na nakatsikahan namin, “E, nagpapa-schedule siya ng dialogue with these online platforms at open naman daw siya sa mga gusto ng producers.
“Pero mahirap ‘yan kasi siyempre sa online platforms kumikita ang producers ng sexy films saka ‘yung sa iba pa, e, papayag ba silang putulin ito?” sabi sa amin.
Sabi namin nasa pag-uusap naman ‘yan, puwede namang ipalabas ‘yan as long as walang “penetration” o yung tipong porn na ang atake.
“Well, abangan natin kung anong mangyayari,” kaswal na sabi ng aming kausap.
* * *
Naipalabas na noong Miyerkules, July 27 ang pasilip sa pinakabagong sitcom ni Maja Salvador na in-upload na sa social media platforms ng TV5.
Mukhang excited na ang fans na masilayang muli ang tinaguriang Majestic Superstar sa telebisyon dahil nag-trending agad ang hashtag na #OhMyKoronaTV5 sa Twitter at lumampas naman sa 95,000 views ang trailer ng “Oh My Korona” sa official Facebook ng TV5.
Bida sa nasabing show sina Maja at dating kapareha na si RK Bagatsing sa teleseryeng “Wildflower” na napanood sa ABS-CBN noong 2017.
At sa muli nilang pagtatambal ay excited na ang kanilang supporters dahil ito nga ang balik-tambalan nila pagkatapos ng kanilang hit teleserye na “Wildflower.”
Iba-iba man ang mga naging reaksyon at komento ng netizens sa trailer ng nasabing sitcom, nangibabaw pa rin ang suporta at excitement ng mga manonood sa nalalapit na pag-ere ng “Oh My Korona” sa TV5.
https://bandera.inquirer.net/318049/anak-ni-tito-sen-na-si-lala-sotto-itinalaga-ni-bongbong-marcos-bilang-bagong-mtrcb-chair
https://bandera.inquirer.net/291959/3-direktor-ng-viva-hindi-pabor-na-makialam-ang-mtrcb-sa-mga-pelikula-sa-digital-platforms
https://bandera.inquirer.net/320087/maja-salvador-rk-bagatsing-muling-magtatambal-sa-oh-my-korona-lala-sotto-antonio-maraming-plano-para-sa-mtrcb
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.