Patrick Sugui tinuldukan ang pagkaka-link ng misis kay Daniel

Patrick Sugui tinuldukan na ang pagkaka-link ng misis kay Daniel Padilla

Pauline del Rosario |January 14,2024
facebook
share this

Patrick Sugui tinuldukan na ang pagkaka-link ng misis kay Daniel Padilla

Pauline del Rosario - January 14, 2024 - 03:50 PM

Patrick Sugui tinuldukan na ang pagkaka-link ng misis kay Daniel Padilla

Patrick Sugui and Aeriel Garcia, Daniel Padilla

HINDI pa rin tumitigil sa social media ang mga chismis kaugnay sa mga naging babae umano ni Daniel Padilla habang sila pa ng dating partner na si Kathryn Bernardo.

Ang nali-link naman ngayon sa Kapamilya actor ay si Aeriel Garcia, ang asawa ng dating Pinoy Big Brother (PBB) teen housemate na si Patrick Sugui.

Pero agad naman ‘yang pinabulaanan ni Patrick sa kanyang X (dating Twitter) account recently.

Tiniyak ng dating PBB housemate na walang kinalaman ang kanyang misis sa kumakalat na “cheating rumors” na nag-ugat sa isang Reddit thread.

“We don’t know where all of this is coming from,” caption ni Patrick.

Sey pa niya, “But I can assure you guys, my wife has nothing to do with this.”

Baka Bet Mo: Ate ni Kathryn Bernardo naglabas ng cryptic post, para ba kay Daniel Padilla?

Sinagot din niya ang ilang netizens na binalikan pa ‘yung kasal nila ni Aeriel noong 2022 na kung saan ay hindi nakadalo ang KathNiel.

“‘Yung di nila pag attend sa wedding namin before, na-clear na namin ‘yung reason kung bakit ‘di sila nakapunta,” wika ni Patrick.

Kung matatandaan, una nang nilinaw ng dating mag-dyowa na kaya hindi sila nakasipot sa kasal nina Patrick at Aeriel ay dahil naging abala sila sa lock-in taping.

Kasunod ng mga binitiwang salita ni Patrick ay nakiusap siya sa publiko na tigilan na ang pagkalat ng fake news.

“Stop making false accusations, please. We are trying to live a quiet life, so please stop,” lahad ng aktor.

Aniya pa, “I’m only talking because nadawit na naman name ng wife ko. There’s no truth to this. That’s all. Salamat.”

Ang nabanggit na Reddit thread ay posted two months ago, pero ngayon lang ito lalong umingay at kumalat sa socmed.

Marami ang naniniwala na ang tinutukoy na “Mermaid” sa blind item ay ang misis ni Patrick at ang “Disco” ay si Daniel na spotted umano sa isang bar na may “something” na ginagawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabanggit din sa post ang “eat squad” na tumutukoy raw sa “Nguya Squad,” ang pangalan ng grupong magkakaibagan na sina Patrick at Aeriel, KathNiel, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Joe Vargas, Bianca Yanga, Josef Elizalde, Marco Gumabao at Dominic Roque.

Patrick Sugui tinuldukan na ang pagkaka-link ng misis kay Daniel Padilla

PHOTO: Screenshot/Reddit

Matatandaan na ilan pa sa mga idinadawit na third party sa hiwalayang KathNiel ay sina Gillian Vicencio, Andrea Brillantes, Liza Soberano, at Julia Barretto.

Hanggang ngayon, wala pa ring solid claim o kumpirmasyon mula sa mga partidong involved upang matigil na nga ang matagal na chismis patungkol sa breakup ng dating mag-dyowa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending