Patrick Sugui, Aeriel Garcia ikinasal na, KathNiel hindi nakapunta? | Bandera

Patrick Sugui, Aeriel Garcia ikinasal na, KathNiel hindi nakapunta?

Therese Arceo |April 23,2022
facebook
share this

Patrick Sugui, Aeriel Garcia ikinasal na, KathNiel hindi nakapunta?

Therese Arceo - April 23, 2022 - 10:58 AM

Patrick Sugui, Aeriel Garcia ikinasal na, KathNiel hindi nakapunta?
IKINASAL na ang dating “Pinoy Big Brother” teen housemate na si Patrick Sugui at ang online streamer na si Aeriel Garcia noong April 20 sa Nasugbu, Batangas.

Ang dalawa ay parehas na miyembro ng Nguya Squad kung saan kabilang rin sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Ria Atayde, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Joe Vargas, Bianca Yanga, Marco Gumabao, at Dominic Roque.

Nitong April 21, muling binati ni Gabbi ang kanyang mga kaibigang sina Patrick at Aeriel habang ibinabahahi ang ilang mga larawan nila sa Instagram.

“Pat & Ae’s wedding day! Nothing but overflowing love and joy for these two! @patsugui @aeriel ily both so much,” caption ni Gabbi.

Ngunit marami ang nagtataka dahil wala ang Kathniel nang ikasal sina Patrick at Aeriel kaya naman marami ang nag-comment sa post ng aktres at hinanap ang dalawa.

“This post is for Pat & Ae, our newly weds. Mahiya naman po kayo,” diretsahang saad ni Gabbi sa mga fans na naghahanap sa KathNiel.

Nag-comment rin ang boyfriend niyang si Khalil at sinabing, “Respeto na lang guys eh. Mahirap ba ibigay yun?”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)

 

Bilang pasasalamat ay nag-comment rin ang bride na si Aeriel sa post ng “ILYSM!!!”

May isa namang netizen ang sumagot kay Aeriel at tila hindi maganda ang sinabi nito at mukhang may kaugnayan sa hindi pagdalo ng KathNiel sa kanilang kasal base na rin sa reply ni Patrick.

Sa ngayon ay mukhang deleted na ang comment nito dahil hindi na mahanap sa post.

Pagtatanggol ni Patrick, “Pinagsasabi mo? Nasa lock in taping sila kaya wala sila. Nagmamarunong ka diyan? Close ka? Hanap ka ibang trip. Wag asawa ko.”

Agad namang inawat at pinakalma ni Gabbi ang kaibigan sa comment section at sinabi hindi “worth the stress” ang netizen.

Hirit naman ng isa pang netizen kay Patrick, masyadong mababaw ang rason na nasa lock-in taping ang dalawa.

“NAPAKABABAW na rason ang lock in taping nila. Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Kathniel sila, they can find a way to make it to ur wedding. Hindi problema yon sa kanila, may sa sila. Aminin niyo na lang na hindi kayo okay lahat.”

Gatong pa ng isa, “Pwede ba yon, bestfriend mo wala sa pinakamahalagang araw ng buhay mo? Cmon wag kami, don’t fool us!”

Agad namang klinaro ni Patrick na siya mismo ay personal na nagpaalam sa direktor ng upcoming show ng KathNiel na “2 Good 2 Be True” ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya pinayagan.

“Really? Kasi po nasa bahay lang ako ni DJ a week before the wedding. Ako pa nagpaalam sa director nila if pwede sila payagan kahit for 1 day lang pero hindi talaga. And we understand. Bida sila sa show nila, sila ang pinakabusy,” sagot ni Patrick.

May ilan pang mga haka-haka ang mga netizens sa hindi pagdalo ng dalawa ngunit pinili na lang nilang huwag na itong sagutin.

Samantala, may point naman si Patrick. Mahirap nga talagang magpaalam sa lock-in taping dahil planado na ang bawat araw na gagawin at isyu-shoot. Mas naging mahirap ito lalo na’t bida ang dalawa.

Noong January 2021 lang nang i-celebrate ng buong Nguya Squad ang engagement nina Pat at Ae nang i-surprise nila ang dalawa ng yacht party matapos nilang malaman na nag-propose na si Pat sa kasintahan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Loyal KathNiel fans na may mga trabaho at anak na nag-sorry kina Kathryn at Daniel, bakit kaya?

Daniel, Dominic in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram, may alitan nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending