Daniel iwas-iwas muna sa mga girls: I need to love myself first!

Daniel Padilla iwas-iwas muna sa mga girls: I need to love myself first!

Ervin Santiago |February 13,2024
facebook
share this

Daniel Padilla iwas-iwas muna sa mga girls: I need to love myself first!

Ervin Santiago - February 13, 2024 - 11:45 AM

Daniel Padilla iwas-iwas muna sa mga girls: I need to love myself first!

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

DEDMA muna ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa mga babae dahil mas gusto raw niyang mag-focus sa pagtatrabaho ngayong 2024.

Ipapahinga raw ni Daniel ang kanyang puso this year pagkatapos nilang maghiwalay ng ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.

“No, definitely not. Love for human nature ‘yun ang hinahanap ko. Trabaho muna ‘ko, wala muna akong love, love. I want to work on myself. I need to love myself first,” ang pahayag ni DJ sa panayam ng  “On Cue”.

Napakarami raw niyang realizations mula noong mag-break sila ni Kath at makasama ang kanyang pamilya, lalo na ang mga kapatid, sa mahaba-habang panahon.

Baka Bet Mo: Daniel ka-partner sana ni Kathryn sa kasal ni Robi pero hindi natuloy

“Ngayon ko mas na-appreciate at nakita na in deeper level ‘yung bond ko sa mga utol ko ngayon.

“Kaya minsan doon mo lang masasabi na legit pala ‘yon na sa panahon ng madidilim, pamilya mo rin ang liwanag.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sila lang talaga. Super na-appreciate ko sila talaga,” ang pagbabahagi pa ng Kapamilya actor matapos ang pagpirma muli niya ng exclusive contract sa ABS-CBN.

Nauna rito, todo-pasalamat si Daniel sa kanyang loyal fans na hindi bumitaw sa pagsuporta sa kanya. Tanggap din niya na hindi lahat ng tao ay naiintindihan siya at tanggap ang paghihiwalay nila no Kathryn.

Baka Bet Mo: Daniel, Kathryn handang-handa nang sumabak sa bagong challenge ngayong 2023, may pa-surprise kaya sa V-Day?

“That’s life. That’s balance. Hindi pwedeng lahat galit lang, hindi pwedeng lahat masaya lang. It’s a perfect balance, ganoon talaga. Lalapag ka rin.

“Kahit doon sa mga nag-move on na sa akin, it’s okay. Walid ‘yung nararamdaman nila sa akin.

“At kung nararamdaman nila eh, nararamdaman nila ‘yon at hindi ko na sila mapipigilan. At sa mga nandoon pa rin sa akin, I appreciate them very,very much.

“They know me. I don’t have to explain myself to them kilala nila ako,” sey ng binata.

Samantala, marami pang gustong gawin sa kanyang buhay at showbiz career si Daniel pero sa ngayon, nais muna niyang ipagpatuloy ang pamamahinga at pagbabakasyon kasama ng pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang dami ko lang gagawin sa labas ng industriya. I am very excited at gusto ko mag-travel nang mag-travel,” sey ni DJ.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending