Pati mga hugot nina Nadine at Liza tungkol sa 'loveteam' ginawang isyu ng netizens: Sino nga ba ang tama at nasa katwiran? | Bandera

Pati mga hugot nina Nadine at Liza tungkol sa ‘loveteam’ ginawang isyu ng netizens: Sino nga ba ang tama at nasa katwiran?

Ervin Santiago |March 08,2023
facebook
share this

Pati mga hugot nina Nadine at Liza tungkol sa ‘loveteam’ ginawang isyu ng netizens: Sino nga ba ang tama at nasa katwiran?

Ervin Santiago - March 08, 2023 - 01:13 PM

Pati mga hugot nina Nadine at Liza tungkol sa 'loveteam' ginawang isyu ng netizens: Sino nga ba ang tama at nasa katwiran?

Liza Soberano at Nadine Lustre

TULUY-TULOY ang pagkukumpara ng mga netizens kina Nadine Lustre at Liza Soberano at pati ang kani-kanilang fans ay nagkakainitan na rin dahil dito.

Marami ang nagsasabi na milya-milya na ang layo ng itinatakbo ng showbiz career ni Nadine kesa kay Liza na pinuputakti ngayon ng mga bashers at haters dahil sa kontrobersyal vlog niya sa YouTube.

May mga nagkokomento naman na hindi dapat ikumpara ang dalawang aktres dahil magkaiba naman ang kanilang career path at sana raw ay tigilan na ang pang-iintriga sa kanila.

Sa kauna-unahang vlog ni Liza sa YouTube ay may nabanggit nga siya tungkol sa kultura ng pagkakaroon ng ka-loveteam sa Philippine showbiz. At kontra nga ito sa naging pahayag noon ni Nadine sa isang panayam.

Ayon kay Nadine, malaki ang naitutulong nito para sa mga kabataang artista na nagsisimula pa lang sa kanilang career sa showbiz. Ngunit para kay Liza, hindi raw dapat “ikinakahon” ang mga aktor.

“Being in a loveteam is really super helpful kasi dalawa kayo eh, it’s a team so you help each other up. You build each other’s career up.

“It’s really a stepping stone and I‘m not gonna say na it’s a bad thing, kasi it’s a learning curve at least the burden is shared,” ang paniniwala Nadine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


“When I was in a loveteam it was a burden that was shared everything that I was going through, James was also going through so may nakakarelate sa akin.

“So at least hindi ko siya pinagdaanan na mag-isa enjoy it! Just enjoy it. Kapag (kasi mga) fans ng loveteam sobrang saya, kapag nag-mall show lahat kilig,” ang sabi pa ng award-winning actress na unang nakilala bilang ka-loveteam ni James Reid (JaDine).

Para naman kay Liza, “Love team is a phenomenon that is only created in the Philippines, and it only exists in the Philippines. To box a woman like that is so dangerous for her mental health and growth in showbiz.

“Everything that I try to do now as a solo artist isn’t being taken seriously or isn’t being respected and it’s seen as something negative.

“They think I’m some type of wild child now just because I am not in a loveteam or seen around the same man constantly,” sabi pa ng ka-loveteam ni Enrique Gil noon na naging boyfriend niya nga sa tunay na buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


Narito naman ang mga reaksyon at comments ng mga netizens sa isyung ito na nabasa namin sa social media.

“Kanya-kanyang diskarte lang yan. Walang basagan ng trip. Buhay nila yan kaya kung anong gusto nilang gawin so be it. Sila rin naman ang nakakaalam kung anong mas makakabuti sa kanila.”

“Mind your own business. Iba si Liza iba si Nadine. Theyre different in so many ways and its not right to compare them because they have their own style. Stop the hate. Leave Liza alone.”

“Parehas tama. Feeling ko makakarelate si Maine Mendoza sa statement ni Liza. Pati mental health nya sobrang affected dahil sa loveteam.”

Baka Bet Mo: Bianca: Ang hirap maging magulang, nag-aalala ako sa mundo ng disinformation na kalalakihan nila

“Definitely beauty and brains… just speaking their minds without thinking of getting bashed… raw, authentic and spontaneous… mas napahanga mo ako Hope lalo,”

“What Liza said is true, taken in a negative context. She actually said that Enrique became her comfort zone and she was unsure when she was asked to partner with a different actor and was even afraid/threatened when Enrique was asked to partner with a different actress. Which she now admitted is a very wrong thinking because it didn’t help her to mature as an actress. She has nothing against anyone. She just realized her mistake.”

“I admire most si Nadine on her perspective being in a loveteam. Look at her now,with best actress awards,successful endorser, multi-talented artist.”

“Parehong tama yung statement. Depende sa experience ng tao. Yan yung nafeel ni Nadine sa love team nya. Eh kung yan naman yung nafeel ni liza sa love team, bakit mo i-invalidate diba?” nasa gitnang pagtatasa ng isang netizen.

“Nadine opinion is better than Liza i guess.. Nadine appreciates everything that happened in her career blessings and trials, she can cope up with it.”

“Thets their opinions according to their experiences. U do not have no right to disagree with it. Just try to learn from it.”

Vice malalim ang hugot para sa mga taong feeling ‘hari ng sablay’: Nagkakamali ka lang , pero di ka masama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rufa Mae: Ganito pala maging nanay ang sarap, ang saya, pero ang sakit din…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending