Bianca: Ang hirap maging magulang, nag-aalala ako sa mundo ng disinformation na kalalakihan nila | Bandera

Bianca: Ang hirap maging magulang, nag-aalala ako sa mundo ng disinformation na kalalakihan nila

Ervin Santiago - May 16, 2022 - 12:23 PM

Bianca Gonzalez, JC Intal, Lucia at Carmen Intal

RAMDAM na ramdam namin ang takot at pangamba ng Kapamilya TV host at certified Kakampink na si Bianca Gonzalez patungkol sa pagiging magulang.

Pagkatapos ng Mother’s Day celebration at ng May 9, 2022 national elections, nagbahagi ang “Pinoy Big Brother” ng kanyang saloobin bilang nanay na ng mga batang namumuhay sa  nagbabagong mundo.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Bianca ng isang litrato kalakip ang mahabang mensahe kung saan nabanggit nga niya kung anu-ano ang nararamdaman niyang agam-agam as a parent.

“Ang hirap maging magulang. Ito pala pakiramdam ng magulang natin nu’ng tayo ang pinapalaki nila sa nagbabagong mundo.

“Habang tinitingnan ko ang aming mga anak, nag-aalala ako sa mundo ng teknolohiya at disinformation na kalalakihan nila.

“Paano kaya namin sila matuturuan ng kung ano ang tama at mali, na maging matatag sa kanilang prinsipyo kahit na minsa’y magiging mas mahirap piliin, na matutong makinig, rumespeto at maging bukas sa ibang paniniwala pero wag bibitawan na ang tama ang tama at ang mali ay mali,” simulang pagbabahagi ng TV host at misis ng dating basketball superstar na si JC Intal.

Malalim din ang hugot ng celebrity mom kung paano nga ba ang tama at makatarungang pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak sa klase ng kapaligirang meron tayo ngayon.

“Paano namin matuturuan ang mga anak namin na magkaroon ng pananagutan sa kanilang pagkakamali. Na matutong makinig sa kritisismo at komento.

“Paano namin mapaparamdam sa kanila na kahit magkamali sila, hindi magbabago ang pagmamahal namin, at ang mas importante ay akuin nila ito, ituwid ang mali, at maging mas mabuti dahil dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Gonzalez Intal (@iamsuperbianca)


“Paano namin matuturuan yung mga anak namin na di pwedeng gustuhin ang ‘good’ at ‘positive’ lang lagi dahil sa totoong buhay, may mga hindi tama at hindi magandang nangyayari, at hindi pwedeng isawalangbahala yun dahil lang mabigat sa damdamin.

“Na hindi mawawala ang mali kung pumikit ka lang. Na hindi maiiwasan na makaramdam ng lungkot o galit, pero kaya naman natin ma-proseso ang mga emosyon na ito.

“Paano kaya namin matuturuan ang mga anak namin na hindi dahil kahit papaano’y kumportable sila sa buhay ay hindi na sila dapat maapektuhan sa nangyayari sa iba.

“Na dahil sila ay kumportable, mas lalong malaki ang responsibilidad nila na maging mulat sa pinagdadaanan ng ibang tao.

“Na ang pagkabigo ay parte ng buhay, pero ang mas importante kaysa sa pagkapanalo o pagkatalo ay kung paano ka lumaban at kung ano ang iyong pinanindigan,” dire-diretsong pahayag ni Bianca.

Aniya pa, “Wala pa akong mga sagot sa tanong na ito, pero kapag nakikita ko ang aming mga anak, alam kong kailangan naming gawin ang lahat para mapalaki sila na puno ng pag-asa at mulat sa mundo, maganda man o hindi ang pinapakita nito.

“At sila ang dahilan kung bakit patuloy kaming naghahangad ng mabuting kinabukasan,” dugtong pa ng TV host sa mahaba niyang mensahe para sa lahat ng mga magulang.

https://bandera.inquirer.net/302590/gma-tinupad-agad-ang-wish-ni-beauty-hindi-lang-isa-kundi-2-dingdong-pa-ang-nakatambal-ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/297868/kyline-sa-panliligaw-ni-mavy-nakakadalagang-filipina-super-gentleman
https://bandera.inquirer.net/302590/gma-tinupad-agad-ang-wish-ni-beauty-hindi-lang-isa-kundi-2-dingdong-pa-ang-nakatambal-ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending