Vice malalim ang hugot para sa mga taong feeling ‘hari ng sablay’: Nagkakamali ka lang , pero di ka masama
MAY malalim na hugot ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda patungkol sa mga taong patuloy na nakararamdam ng mga kanegahan sa buhay.
Nag-post ng mensahe ang TV host-comedian sa kanyang Twitter account kung saan pinalalakas niya ang loob ng mga kababayan natin na ang feeling ay puro mali at sablay ang nagagawa nila sa buhay.
Ayon sa “asawa” ni Ion Perez, sa gitna ng pagkuwestiyon ng mga tao sa kanilang kakayahang makagawa ng tama at kabutihan sa kanilang kapwa, ay darating din ang tamang panahon na magiging proud ang mga ito sa kanilang sarili.
“Wag mong isiping parang wala ka ng nagagawang tama. Meron! Marami ka pa ring nagagawang tama. At kaya mo pa rin gumawa ng madaming tama,” simulang tweet ng komedyante.
Ipinagdiinan pa niya na, “Sumasablay ka lng ngayon dahil kakaiba ang sitwasyon. Di lang ikaw. Lahat tayo. Nagkakamali ka lang. Pero di ka masama,” ang pahayag pa ng Kapamilya star.
Marami naman ang naantig sa ipinost na words of wisdom ni Vice sa Twitter at halos lahat ay sumang-ayon sa kanya. May nagsabi pa na napakalaking tulong nito sa lahat ng mga taong may pinagdaraanan.
View this post on Instagram
Narito ang ilan sa mga komento ng Twitter followers ni Vice.
“Your timing is just perfect, this is no longer a coincidence, you actually know when I need this kind of reminder, badly need this. hay noted, thank you for this, i love you!”
“Bigla naman akong naiyak dito, ang nanay ko kasi ay may malubha nang sakit, pag nakikita ko siyang nasasaktan feel ko i responsibleng anak ako.”
“Mahal na mahal talaga kita!! Yung mga words of wisdom mo ang mas lalong nag papalakas sa’kin. Maraming Salamat ma!”
“Naluluha na ako kanina habang sinasabi mo ito kanina sa showtime tamang tama sakin eh thank you so much.”
“Mahal na mahal kita! maraming salamat sa ganitong payo at paalala. maraming pagkakataon na akala ko wala na rin akong nagagawang tama. pero marami pang oras at panahon, at alam kong hindi ako huli sa nabibigyan ng pagkakataon. nagkakamali ako, pero hindi ako masama. mahal kita!”
“Mama wag mong isipin na nde ka na magaling siguro may times na ayun ung naiisip mo but nand2 paren kaming fans mo kahet nga yung Hindi mo fans napapasaya mo ayaw lng aminin sa sarili nila na ikaw ang nakakapagpasaya sa kanila mama isipin mo lagi kahet anong mangyare nan d2 kame.”
https://bandera.inquirer.net/279809/vice-vhong-amy-nagpaalala-uli-sa-madlang-pipol-kontra-covid-please-alagaan-natin-ang-isat-isa-nang-tama
https://bandera.inquirer.net/302819/claudine-maraming-beses-nang-naloko-tinraydor-tinulungan-mo-na-ikaw-pa-ang-masama
https://bandera.inquirer.net/302819/claudine-maraming-beses-nang-naloko-tinraydor-tinulungan-mo-na-ikaw-pa-ang-masama
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.