Melai Cantiveros kinilig nang sunduin ni Jason Francisco: Ganito pala ang feeling masundo ng afam | Bandera

Melai Cantiveros kinilig nang sunduin ni Jason Francisco: Ganito pala ang feeling masundo ng afam

Therese Arceo |November 08,2023
facebook
share this

Melai Cantiveros kinilig nang sunduin ni Jason Francisco: Ganito pala ang feeling masundo ng afam

Therese Arceo - November 08, 2023 - 03:40 PM

 

Melai Cantiveros kinilig nang sunduin ni Jason Francisco: Ganito pala ang feeling masundo ng afam

HINDI napigilan ng Kapamilya TV-host actress at comedienne na si Melai Cantiveros ang kiligin matapos itong sunduin ng asawang si Jason Francisco.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng “Magandang Buhay” host at “Ma’am Chief” lead star ang video kung saan makikita kung paano siya sinundo ng asawa matapos ang mahabang araw ng trabaho.

“Ganito pala ang feeling masundo ng afam,” panimula ni Melai.

Pagpapatuloy niya, “Kasi di niyo natatanong, afam ‘tong sumundo sa akin si EMEnem. Eme lang nemen.”

Sa kasalukuyan ay abala si Melai sa pagpo-promote ng kanyang incoming movie na “Ma’am Chief”.

“Salamat Lord sa safe landing namin at best na Mall Tours ng #MaamChief. All the Glory to God,” sey pa niya.

Baka Bet Mo: Melai sa nakakalokang reaksyon ng 2 anak nang makita ang kanilang poster: ‘Hindi sila makapaniwala na nasa mall ang mukha nila’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol maging sa mga malalapit na kaibigan sa showbiz ang naturang post ni Melai.

“NAOL MAY SUMUSUNDO. Thank you for everything beb, enjoy your baby time with Jason!” comment ni Jennica.

Saad naman ng isa, “Grabe sa sobrang kilig ni Melai hinampas si Jayson!”

“Nakakaloka yung EME nem!!!!! Hahahahahhaha,” sey naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, mapapanood na sa sinehan ang pelikulang “Ma’am Chief” na pinagbibidahan ni Melai kasama sina Sela Guia, Dustin Mayores, Enzo Almario, Jennica Garia, Alora Sasam,Bernadette Allyson, at marami pang iba sa darating na November 15.

Related Chika:
Melai Cantiveros, Jason Francisco pinaampon ang mga anak, Stella tuwang-tuwa

Melai Cantiveros bentang-benta ang mga banat sa IG stories, sigaw ng netizens: ‘Bigyan ng sariling show yarn!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending