Melai ibinandera ang pagkikita nila ng sikat na Korean star: ‘Lee Seung-gi meets Lee SUNGKI!’
MARAMING fans ang napa-sana all sa comedienne-actress na si Melai Cantiveros sa kanyang latest social media post.
Paano ba naman kasi, nakasama niya in-person ang kilalang Korean actor na si Lee Seung-gi!
Sa Instagram, todo flex ang komedyana sa ilang selfie nila ng sikat na aktor.
At mukhang tampok pa nga si Seung-gi sa pagbibidahang pelikula ni Melai na pinamagatang “Ma’am Chief” na mapapanood na sa November 15.
“Lee Seung-Gi meet Lee SUNGKI (ako) [zany face, red heart emojis],” caption niya sa IG.
Sey pa niya, “#MaamChief showing na November 15,2023 and 14 Days nalang mapapanood nyu na kamiii [smiling face with heart-eyes emoji].”
Baka Bet Mo: Melai Cantiveros ‘napabulagta’ nang makita ang ultimate crush na si Jericho Rosales
View this post on Instagram
Kamakailan lang, kinumpirma ni Melai na nakatrabaho niya ang South Korean actor na si Do Ji-han sa kanyang upcoming movie.
Samantala, inanunsyo ni Seung-gi na ipinagbubuntis na ng kanyang misis na si Lee Da-in ang first baby nila.
Ayon sa talent agency ng aktor na Human Made, sa susunod na taon nakatakdang isilang ang panganay na anak ng Korean actor.
Taong 2004 nang magsimula bilang singer si Seung-gi, pero mas sumikat siya bilang aktor.
Sa mga hindi pa masyadong nakakakilala sa kanya, siya ang bumida sa hit Korean series na “Vagabond”, “A Korean Odyssey,” “My Girlfriend is a Gumiho,” “Mouse”, “The King 2 Hearts” at marami pang iba.
Matatandaan noong Mayo nang huling bumisita sa ating bansa ang Korean idol para sa kanyang Asian concert tour na “The Dreamer’s Dream.”
Kasabay niyan ay ibinunyag ni dating governor Chavit Singson na magkakaroon sila ng partnership ni Seung-gi para sa pagpapatayo ng “Little Seoul Entertainment Complex” sa Pasig City.
Ayon sa kanya, ang isa sa magiging bahagi ng itatayong complex ay ilalaan para sa pagsasanay ng mga Filipino talents.
“Mag-uumpisa pa lang. Baka abutin ‘yon ng two to three years. Ito ipa-finalize na. Hopefully magkapirmahan na pagpunta dito kasama ng mga kasama niyang investors,” sey ng dating gobernador.
Isa pa sa mga possible projects na naiisip ni Chavit ay ang pagpo-produce ng pelikula para sa Korean star at magkaroon din ng musical career dito sa Pilipinas.
Kilala rin kasi si Seung-gi bilang philanthropist dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa mga disabled at kapus-palad na mga bata.
Related Chika:
Korean superstar Lee Seung-gi love na love ang Pinas; namigay ng pagkain sa 200 bata sa Quezon City
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.