Korean superstar Lee Seung-gi gagawa ng K-drama sa Vigan; makikipag-collab kay Chavit Singson para sa pagpapatayo ng 'Little Seoul' sa Pinas | Bandera

Korean superstar Lee Seung-gi gagawa ng K-drama sa Vigan; makikipag-collab kay Chavit Singson para sa pagpapatayo ng ‘Little Seoul’ sa Pinas

Ervin Santiago |May 27,2023
facebook
share this

Korean superstar Lee Seung-gi gagawa ng K-drama sa Vigan; makikipag-collab kay Chavit Singson para sa pagpapatayo ng ‘Little Seoul’ sa Pinas

Ervin Santiago - May 27, 2023 - 07:37 AM

Korean superstar Lee Seung-gi gagawa ng K-drama sa Vigan; makikipag-collab kay Chavit Singson para sa pagpapatayo ng 'Little Seoul' sa Pinas

Chavit Singson at Lee Seung-gi

FINALLY, nakita na namin upclose and personal ang South Korean superstar na si Lee Seung-gi na isa sa mga favorite naming K-drama actors.

Sa mga hindi pa masyadong nakakakilala kay Lee Seung-gi, siya ang lead star sa mga hit Korean series na “Vagabond”, “A Korean Odyssey,” “My Girlfriend is a Gumiho,” “Mouse”, “The King 2 Hearts” at marami pang iba.

Bukod sa pagiging magaling na aktor, isa rin siyang singer-performer sa South Korea na nakagawa na ng napakaraming concerts at ilang album.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ilan sa kanyang mga chart-breaking songs ay ang “Delete,” “Losing My Mind,” “Will You Marry Me,” at ang kanyang debut single na “Because You’re My Woman,” composed by South Korean singer-songwriter-record producer na si Psy.

Kahapon, isa kami (at ang BANDERA) sa masuswerteng miyembro ng media na naimbitahan sa mini-presscon ng singer-actor para sa kanyang concert na magaganap na ngayong gabi sa New Frontier Theater.

Ang tinutukoy namin ay ang kanyang “The Dreamer’s Dream” Asian concert tour na sa pagkakaalam namin ay talagang susuportahan ng kanyang libu-libong Filipino fans.

Baka Bet Mo: Singson planong karirin ang pagpo-produce ng K-drama; na-inspire nga ba sa tagumpay ng Squid Game?

Dumating sa bansa ang Korean star kasama ang kanyang team sakay ng private jet mula sa Seoul, South Korea. Sinalubong siya ng dating governor na si Chavit Singson.

Kasunod nito, nagkaroon ng ilang minutong question and answer portion kung saan natanong nga si Lee Seung-gi tungkol sa pagbabalik niya sa Pilipinas para mag-concert at makasama muli ang mga Pinoy.

Matatandaang nakabisita rin ang Korean actor at singer sa Ilocos Sur nang dumalaw siya sa balwarte ni Gov. Chavit. Aniya, “I visited Vigan and I found it a beautiful city. Someday we would like to film a series there.”

“I was here for travel the last time and I really liked it. I was surprised that a lot of Filipinos recognized me, and I really enjoyed that moment,” sabi pa ni Lee sa pamamagitan ng interpreter.

Aniya pa patungkol sa pagsalubong sa kanya ni Chavit Singson, “It’s only our second time to meet but we are looking forward to more Philippine projects together.”

Dagdag pang pahayag ng Korean star, “If there’s a chance, I’m keen to maybe release a song in Filipino. I really think if we can create Korean shows in the Philippines, it’s gonna be awesome.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, naibalita naman ni Chavit Singson ang tungkol sa kanilang partnership na may kaugnayan sa pagpapatayo ng Little Seoul Entertainment Complex sa Pasig City.

Aniya, ang isa sa magiging bahagi ng itatayong complex ay ilalaan para sa pagsasanay ng mga Filipino talents.

“Magtatayo kami ng Little Seoul dito sa Metro Manila, mga buildings, mga centers. Do’n sa Metrowalk. Parang little Korea pero tatawagin nating Little Seoul.

“Mag-uumpisa pa lang. Baka abutin ‘yon ng two to three years. Ito ipa-finalize na. Hopefully magkapirmahan na pagpunta dito kasama ng mga kasama niyang investors,” sabi pa ng dating gobernador.

Isa pa sa mga possible projects na naiisip ni Singson para kay Lee ay ang pagpo-produce ng pelikula para sa Korean star at magkaroon din ng musical career dito sa Pilipinas.

Kilala rin kasi si Seung-gi bilang  philanthropist dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa mga disabled at kapus-palad na mga bata.

Chavit ipinagamit sa ‘Probinsyano’ ni Coco ang mga lupain sa Ilocos nang libre; siniguro ang pagbabalik sa Pinas ni Lee Seung-gi

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chavit Singson nagpaagaw ng pera gamit ang ‘golden gun’, may mga natuwa pero marami ring nagalit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending