Jin ng BTS nagsimula na sa kanyang mandatory military service sa South Korea | Bandera

Jin ng BTS nagsimula na sa kanyang mandatory military service sa South Korea

Ervin Santiago - December 13, 2022 - 08:03 PM

Jin ng BTS nagsimula na sa kanyang mandatory military service sa South Korea

BTS Jin

NAGSIMULA na ngayong araw, December 13, ang mandatory military service ng pop idol na si Jin, ang isa sa mga miyembro ng South Korean supergroup na BTS.

Kalat na sa social media ang litrato ng Korean superstar kung saan makikita ang kanyang military haircut na isa sa mga requirement sa pagsisilbi sa kanilang bansa bilang sundalo.

Si Jin o Kim Seok-jin sa tunay na buhay ay ang unang miyembro ng BTS na na-enlist sa mandatory military service sa Korea.

Ayon sa record label ng BTS na Big Hit Music, lahat ng members ng grupo ay sasailalim sa mandatory military service.

“(Jin) will then follow the enlistment procedure of the Korean government. Other members of the group plan to carry out their military service based on their own individual plans,” ayon sa talent management ng Korean idol.

In-announce na rin ng Big Hit Music na walang magiging event ang grupo sa mismong araw ng recruitment ni Jin.

“The entrance ceremony is a time to be observed by military personnel and their families only.

“In order to prevent any issues that might occur from crowding, we ask fans to please refrain from visiting the site.

“Instead, We ask you to keep your heartwarming words of support and farewell in your hearts,” sabi pa ng management ni Jin sa official statement.

Bago pa magsimula ang kanyang enlistment, trending at nag-viral agad-agad sa social media ang semi-kalbong haircut ni Jin.

Nagsimula ang career ng BTS noong 2013 at nang mapakinggan na ng mga fans ang kanilang mga kanta at mapanood ang bonggang-bongga nilang performances on stage, hindi nagtagal ay sila na ang itinuring na biggest K-pop act in the world.

Ang iba pang members ng grupo ay sina RM, Suga, J-hope, Jimin, V at Jungkook. Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Butter,” “Dynamite,” “Fire,” “Boy With Luv,” at “Permission to Dance.”

Son Ye Jin aminadong si Hyun Bin ang kanyang first love

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Beatrice Gomez ginawaran ng Military Merit Medal ng Philippine Navy; tuloy ang pagwagayway sa bandera ng LGBTQ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending