Shooting ng ‘Vagabond’ nina Lee Seung Gi, Suzy tapos na
KOREAN word of the Week: “Maknae” – ginagamit ito sa K-pop world na nangangahulugan ng “youngest member”, o “pinakabatang miyembro ng grupo” at itinuturing na baby sa pamilya.
Natapos na ang shooting ng upcoming series ng dalawang Korean superstar na si Lee Seung Gi at Suzy na “Vagabond”, na nakatakda nang mapanood sa Setyembre.
Kapwa nag-post sina Seung Gi at Suzy sa kanilang Instagram account matapos mag-last day shooting para sa upcoming K-series.
Ang Vagabond ay kuwento ni Cha Dal Gun (Seung Gi), isang stuntman na nangangarap maging action star, na iimbestigahan ang misteryosong plane crash kung saan nasawi ang kanyang pamangkin.
Habang nagsasagawa ng imbestigasyon, madidiskubre niya ang talamak na korupsyon.
Samantala, gaganap naman si Suzy bilang Go Hae Ri, na magdedesisyong maging National Intelligence Service agent para suportahan ang kanyang pamilya matapos mamatay ang ama.
Makakasama rin sa serye ang isa pang magaling na aktor sa Korea na si Shin Sung Rok na gaganap bilang Ki Tae Woong, ang head ng National Intelligence Agency information team.
Mapapanood na sana ito ngayong Mayo ngunit hindi natuloy dahil sa negosasyon sa Netflix.
Magsisilbing reunion drama nina Seung Gi at Suzy ang Vagabond matapos magkasama sa 2013 fantasy series Gu Family Book.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.