Vagabond 2 ni Lee Seung-gi kukunan sa Pinas, Chavit producer

Vagabond 2 ni Lee Seung-gi kukunan sa Pinas, Chavit isa sa mga producer

Ervin Santiago |April 10,2024
facebook
share this

Vagabond 2 ni Lee Seung-gi kukunan sa Pinas, Chavit isa sa mga producer

Ervin Santiago - April 10, 2024 - 10:57 AM

Vagabond 2 ni Lee Seung-gi kukunan sa Pinas, Chavit isa sa mga producer

Lee Seung-gi at Chavit Singsong

CONFIRMED! Tuloy na tuloy na ang season 2 ng hit Korean action-drama series na “Vagabond” na pinagbibidahan ni Lee Seung-gi.

Yan ang ibinalita ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson na isa sa magiging producer ng naturang proyekto.

Ayon sa dating gobernador, tinatapos na raw ang script at pina-finalize na ng production ang mga mahahalagang detalye ng South Korean series.

Ito’y pagbibidahan pa rin ni Lee Seung-gi at ng leading lady niya sa unang season na si Bae Suzy with Shin Sung-rok na ipinalabas sa Korea noong 2019 na umere rin sa Netflix.

Baka Bet Mo: Chavit ipinagamit sa ‘Probinsyano’ ni Coco ang mga lupain sa Ilocos nang libre; siniguro ang pagbabalik sa Pinas ni Lee Seung-gi

Sabi ni Manong Chavit, nang makachikahan ng BANDERA at ng ilang piling miyembro ng entertainment media sa opening ng bagong branch ng BB.Q Chicken sa Ayala Malls Feliz, isa siya sa magiging producer ng “Vagabond 2.”

At ang good news pa, dito sa Pilipinas kukunan ang halos kabuuan ng serye at ilang Pinoy celebrities din ang kukunin para gumanap sa mga special role.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Natanong kasi ang dating governor kung totoong may ipo-produce nga siyang Korean series, “Meron, ‘yung series na very popular sa Korea, Vagabond.

“Itutuloy dito. Nakatapos na sila (season 1), tapos ‘yung continuation (season 2), dito na sa Pilipinas kukunan,” pagkumpirma ni Manong Chavit.

Dagdag pa niya, “Tinatapos muna ‘yung istorya para may susundan sila. Unlike the others na kapag gumawa, hinuhulaan kung saan susunod, ‘yun ayaw nila, gusto nila kumpleto na ‘yung istorya.”

Baka Bet Mo: Korean superstar Lee Seung-gi love na love ang Pinas; namigay ng pagkain sa 200 bata sa Quezon City

“Yes, makakasama ako sa production dahil niyayaya nila ako,” aniya pa.

Isa lamang ito sa mga bonggang collaboration ni Singson at ng Korean superstar na si Lee Seung-gi na ilang beses nang bumisita sa napakalaking bahay ng dating gobernador sa Ilocos Sur.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Business partners din sina Manong Chavit at Lee Seung-gi at ang unang  negosyo nga nila ay ang pagpapatayo ng Little Seoul sa Metrowalk. Kabilang sa magiging attraction dito ay ang bonggang concert venue para sa mga K-pop idols.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending