Super Sireyna Francine Garcia at anak ni Chavit Singson na si Luis Christian magdyowa na nga ba?
PALAISIPAN sa netizens ang ipinost ng “Eat Bulaga” Super Sireyna 2013 grand winner na si Francine Garcia kung ano ang relasyon niya sa sinasabing paboritong anak ni ex-Gov. Chavit Singson na si Luis Christian Singson.
Kaya namin nabanggit na paboritong anak ay lagi kasing kasama ni Gov. Chavit si Luis sa lahat ng lakad nito at balita rin namin ay ginu-groom niya si Christian para sumunod sa kanyang yapak.
Anyway, ang ganda kasi ng larawan ng dalawa na naka-two piece si Francine at topless naman si Christian na kuha sa resort ng mga Singson sa Narvacan, Ilocos Sur. Nakahawak pa sa beywang ng dalaga ang binata at tila pinapahiran pa ng sunscreen.
Ang caption ni Francine sa larawan nila ni Christian, “Commitment is what transforms a promise into reality.”
Nangako raw kasi ang anak ni Chavit na dadalhin niya ito sa kanilang resort. Sabi kay Francine, “I’ll bring you to Narvacan, Ilocos Sur. We have a private beach there, Santorini style. Tabing dagat, Very Beautiful.”
Kuha ito noong Mayo, 2023 pero nu’ng isang araw lang ipinost ni Francine.
Walang binanggit si Francine kung ano ang status nila ni Luis Christian pero nang i-check namin ang Facebook account ng binata ay may nakalagay sa status niya na “in a relationship” noong Setyembre 1.
View this post on Instagram
At four days ago ay may post si Christian na pareho ng suot niyang short na kuha nila ni Francine kung saan kita ang napakagandang kalangitan.
Ang caption ng binata, “Lord, I thank you for sunshine, Thank you for rain, Thank you for joy, Thank you for pain, It’s a beautiful day.”
Samantala, binalikan namin ang tanong noon kay Francine ni Joey de Leon kung naniniwala siyang may straight na lalaking kayang magmahal sa kanya bilang transwoman.
View this post on Instagram
Ang sagot nito ay, “Okay, I’ll answer that question straight to the point. I believe that love knows no gender, thank you.”
Mukhang nahihilig si Christian Luis sa mga beauty queen dahil ang isa sa naging karelasyon niya noon ay ang ina ng anak niyang si Luis Ethan (9 months na) na si Francesca Taruc, Miss Tourism World Intercontinental 2019 at si Francine naman ay isang Super Sireyna.
Anyway, almost 1,000 shares na ang nasabing post ni Francine at nang muli naming balikan ay nawala na ito pero marami na ang nakapag-share, isa na ang Facebook account na Publiko na may 249,000 followers.
Bukas ang BANDERA sa panig nina Francine at Luis Christian tungkol sa mga larawan nilang viral na ngayon.
Chavit Singson nagpaagaw ng pera gamit ang ‘golden gun’, may mga natuwa pero marami ring nagalit
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.