P-pop group na HORI7ON babalik na sa Pinas matapos sumabak sa matinding training sa South Korea, iikot sa iba't ibang bansa | Bandera

P-pop group na HORI7ON babalik na sa Pinas matapos sumabak sa matinding training sa South Korea, iikot sa iba’t ibang bansa

Alex Brosas - July 31, 2023 - 07:49 AM

P-pop group na HORI7ON babalik na sa Pinas matapos sumabak sa matinding training sa South Korea, iikot sa iba't ibang bansa

Chavit Singson at HORI7ON

INI-REVEAL ni former governor and businessman Chavit Singson na malapit nang magbalik sa bansa ang P-pop group na HORI7ON following its successful training in South Korea.

Ang nasabing grupo ay kinabibilangan nina Kim, Vinci, Marcus, Jeromy, Kyler, Reyster, and Winston.

“Magagaling siguro kasi nakita ko sila last month na nandoon ako. Itong year na ito dadalhin na uli sila sa Pilipinas at ibang countries.

“Bakit ang bilis, kako? Magagaling sila sabi sa akin,” Singson said during the opening of the second branch of popular Korean chicken resto, BBQ Chicken (Best of the Best Chicken) at Robinsons Magnolia recently.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by HORI7ON (@hori7onofficial)


Singson’s LCS Group of Companies have an entertainment company which helps Pinoy talents in Korea.

“May anim na nandoon na puro mga Filipino. Ang gagaling. Koreano na nga, eh. Ang pag-training ng mga dancers sa Korea, matagal.

Baka Bet Mo: Fans ng P-pop group na HORI7ON na-bad trip sa mga security guard at staff ng NAIA: ‘Grabe! Kung makataboy naman kayo!’

“Training nila five years, 10 years pero gumagastos ang mga company na iyon. Twelve hours a day. Ganoon kahirap. Pagpipilian sila libo, ang natira anim lang. ‘Yung Blackpink, ang daming pinagpilian, anim lang ang natira,” kuwento niya.

As for BBQ Chicken, Singson felt lucky that he was chosen to have a franchise in the Philippines.

“Matagal na silang naghahanap ng kapartner dito. Marami rin ang gustong kumuha.  Luckily, ako ang pinili ng may-ari so pumunta ako sa Korea at ipinakita sa akin ang Chicken University nila,” say ni Singson.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by HORI7ON (@hori7onofficial)


Sabi pa ni Singson, in Korea alone, it  already has 3,500 branches, “And they are now in 54 countries. Sa US, ang bilis kumalat. Makakatulong ito sa ating mga tourists,” he said.

Ayon sa successful businessman, he asked the owner of the resto to have its training in the country as it would be expensive to train in the Chicken University in Korea.

“Doon lahat nagte-training, mga chefs, mga franchisee for two months. Noong nagpunta ako doon, punung-puno na ng foreigners na nag-aaral. Pero magastos masyado kung doon pa sila mag-training. Right now, nagte-training na kami sa BGC,” say niya.

Asawa ng kilala at mayamang aktres matabang pa rin ang pakikitungo sa ‘matapobreng’ in-laws

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Diego Loyzaga tuloy ang pagpapa-yummy: Salmon lang or chicken breast ang kinakain ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending