Gian Sotto may rebelasyon tungkol sa nangyari sa TVJ; Chavit Singson havey ang pasorpresa sa mga Pinoy na super love ang Korea | Bandera

Gian Sotto may rebelasyon tungkol sa nangyari sa TVJ; Chavit Singson havey ang pasorpresa sa mga Pinoy na super love ang Korea

Ervin Santiago - July 18, 2023 - 07:49 AM

Gian Sotto may rebelasyon tungkol sa nangyari sa TVJ; Chavit Singson havey ang pasorpresa sa mga Pinoy na super love ang Korea

Tito, Vic & Joey, Chavit Singson at Gian Sotto

NAGPASALAMAT si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto sa members ng entertainment media na patuloy na sumusuporta sa amang si Tito Sotto pati na rin kina Vic Sotto at Joey de Leon.

Naniniwala si VM Gian na napakalaki ng nagawa ng media upang maging matagumpay ang launching ng “E.A.T.” sa TV5 at sa tuluy-tuloy na paghataw nito sa ratings game.

Aniya, talagang more than 100% ang ibinigay na suporta ng pamilya Sotto sa TVJ at sa bagong noontime show ng mga original Dabarkads na “E.A.T.”

Nakachikahan namin at ng ilan pang members ng showbiz press si Gian sa opening ng South Korean restaurant na bb.q Chicken nitong Linggo, July 16, sa Robinson’s Magnolia, Quezon City. Siya ang isa sa mga special guests na naimbitahang mag-cut ng ribbon para sa nasabing event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Salamat sa Diyos po! Praise God! Thank you po sa inyong lahat dahil kung hindi rin po dahil sa tulong ninyo, hindi magiging successful yung launch ng E.A.T., TVJ sa TV5.

“At lahat po kami na mga legit Dabarkds, sobrang nagpapasalamat po sa suporta ng taumbayan, ng buong Pilipinas, sa buong mundo rin dahil po honestly yung Eat Bulaga is…yung original po, E.A.T., yan po ang bumuhay sa family namin.

“E, nu’ng ginawa nga yung pangalan na yan sa bahay po ni Mommy ginawa ni Tito Joey yung pangalan, pati yung lyrics nu’ng ginawa nina Tito Vic, sila-sila lang po talaga ang naggawa,” paliwanag ng vice mayor.

Baka Bet Mo: Chavit Singson ‘single at ready to mingle, tikom ang bibig sa pagkaka-link kay Yen Santos noon

“Kaya nagpapasalamat po tayo sa Diyos for this blessing na makapagpatuloy po sila na makapagpasaya,” aniya pa.

Inamin din ng anak ni Tito Sen na matinding lungkot ang naramdaman ng kanilang pamilya nang lisanin ng TVJ ang Eat Bulaga, “Nu’ng una po, talagang nakakalungkot for us. It was very disappointing.

“We’re very sad. Pero immediately ang Panginoong Diyos po, napakabait. He gave us hope. Parang sinabi ni God, ‘Relax lang kayo, may plano ako. Focus on Me.’ And yun, we focused on God, talagang winorship namin Siya.

“Sabi namin, ‘God is good all the time!’ And yun po, nasagot po ang ating mga prayers,” sabi pa ni Gian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa tanong kung na-hurt ba siya sa mga nangyari sa kanyang tatay at sa iba pang original Dabarkads, “May mga times po na aminin ko, nu’ng time na tinanggal sila, talagang nalungkot po ako. Nasaktan po ako.

“Pero ano, e, immediately, katulad nga ng sinabi ko, God is good and He really showed His Glory. And talagang naniniwala po ako du’n sa kasabihan na kung sino ang inaapi, yun ang iniaangat ng Diyos,” sabi pa ng politiko.

Samantala, bukod kay Gian Sotto, dumalo rin sa opening ng bb.q Chicken resto ang kaibigan ni Chavit Singson na si Korina Sanchez, Rico Robles (nag-host ng event) at ang Viva Artists Agency talent na si Phoebe Walker.

Matatagpuan ang nasabing Korean food resto sa 3rd Level ng Robinsons Magnolia na pag-aari nga ni Gov. Chavit Singson. Siguradong super pamilyar na ito sa mga fans ng mga K-Drama.

Nai-feature na rin kasi ito sa mga hit Korean series tulad ng “Goblin: The Lonely Great God”, “Crash Landing On You”, “The King: Eternal Monarch” at “My Love From The Stars.”

In fairness uli, para na rin kayong nag-travel sa South Korea dahil sa kanilang mga yummy Korean dishes. Sarap ng chicken nila, promise! Pati yung mga drinks and desserts, winner din.

Hindi pa namin natikman ang lahat ng food sa kanilang menu kaya siguradong babalik pa kami sa bb.q Chicken na may branch din pala sa BGC.

Gian Sotto nilinaw na walang nilabag na batas si Aiko, iba pang konsehal na nag-TikTok sa loob ng session hall

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chavit Singson nagpaagaw ng pera gamit ang ‘golden gun’, may mga natuwa pero marami ring nagalit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending