Chavit Singson 'single at ready to mingle, tikom ang bibig sa pagkaka-link kay Yen Santos noon | Bandera

Chavit Singson ‘single at ready to mingle, tikom ang bibig sa pagkaka-link kay Yen Santos noon

Reggee Bonoan |May 27,2023
facebook
share this

Chavit Singson ‘single at ready to mingle, tikom ang bibig sa pagkaka-link kay Yen Santos noon

Reggee Bonoan - May 27, 2023 - 07:00 PM

Chavit Singson 'single at ready to mingle, tikom ang bibig sa pagkaka-link kay Yen Santos noon

“ITANONG n’yo na lang kay Paolo (Contis),” ito ang seryosong sabi ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa panayam ng media sa kanyang opisina sa Platinum Skies Aviation Delta 5 Hangar habang hinihintay ang pagdating ng Korean Superstar na si Lee Seung Gi sakay ng private jet na pag-aari ng gobernador.

Si Paolo Contis ang kasalukuyang karelasyon ngayon ng aktres na si Yen Santos. Sila ‘yung sinasabing, “nagpunta ng Baguio with a friend.”

Naki-Marites ang ilang imbitadong entertainment media kay Ex-Gov. Chavit dahil tinanong siya kung kumusta ang lovelife niya ngayon.

“Binata ako ngayon,” sambit ng dating gobernador.

Biniro naman si Ex-Gov. Chavit  kung ‘single at ready to mingle?’ ito at kung gusto pa rin ba nitong magpakasal.

“Kung makita ko ‘yung puwedeng pakasalan,” sabi ulit ng dating gobernador.

Dagdag pa ni Ex-Gov. Chavit, “wala pa, eh. Iyon nga ang problema.”

Sa tanong kung ano ang masasabi nito na nali-link siya sa mga taga-showbiz, “Minsan hindi naman totoo.. Siyempre pag interbyuhan hindi mo naman (dapat) aminin.”

Baka Bet Mo: Korean superstar Lee Seung-gi gagawa ng K-drama sa Vigan; makikipag-collab kay Chavit Singson para sa pagpapatayo ng ‘Little Seoul’ sa Pinas

Binanggit ang mga pangalan nina Pops Fernandez at Vina Morales.

“Ay (mga) kaibigan lang talaga, kabarkada lang kapag kailangan ng tulong,” say ni Chavit.

Aware din kaya ang dating gobernador na nali-link siya kay Yen Santos at ang ganda ng ngiti nito.

Matagal muna bago sumagot si Chavit na nag-isip pa at sabay sabing, “Tanong n’yo na lang kay Paolo (sabay tayo na ng gobernador).”

Hindi naman kaila na matagal nasasambit ang pangalan ni Yen kay Gov Chavit pero wala namang pag-amin sa magkabilang panig kaya inisip na hindi nga ito totoo lalo’t dumating na si Paolo sa buhay ng dalaga.

Samantala nalaman namin kay Gov. Chavit kung ano ang business deal nila ni Lee Seung Gi at pagpapatayo ng tatawagin nilang Little Seoul Entertainment Complex sa Pasig City.

“Magtatayo kami ng Little Seoul dito sa Metro Manila. Mga buildings, mga centers, do’n sa Metrowalk. Parang little Korea pero tatawagin nating Little Seoul,” tsika nito.

“Mag-uumpisa pa lang. Baka abutin ‘yon ng two to three years. Ito ipa-finalize na, hopefully magkapirmahan na pagpunta dito kasama ng mga investors,” kuwento ni Ex-Governor Chavit.

Nasa planning stage rin ang dating gobernador na ipagpo-produce niya ng pelikula si Lee Seung Gi kasabay na rin ng pag-record ng album with Filipino Songs kaya isa rin ito sa nagpangiti sa Korean actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Chavit ipinagamit sa ‘Probinsyano’ ni Coco ang mga lupain sa Ilocos nang libre; siniguro ang pagbabalik sa Pinas ni Lee Seung-gi

Chavit sa banggaan nila ng anak sa 2022: Ang tatay ang magtuturo sa anak, hindi anak ang magtuturo sa tatay…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending