Manny Pacquiao, Chavit Singson nagkabati na: 'Because friendship is stronger than politics' Bandera

Manny Pacquiao, Chavit Singson nagkabati na: ‘Because friendship is stronger than politics’

Ervin Santiago |August 31,2022
share this

Manny Pacquiao, Chavit Singson nagkabati na: ‘Because friendship is stronger than politics’

Ervin Santiago - August 31, 2022 - 02:14 PM

Chavit Singson at Manny Pacquiao

SA wakas, nagkaayos at nagkabati na ang dating senador na si Manny Pacquiao at si former Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Pinatunayan ng dalawang kilalang personalidad na mas matimbang pa rin ang kanilang pagkakaibigan at ilang taong pinagsamahan kesa sa magulo at maintrigang mundo ng politika.

Makalipas nga ang mahabang panahon, mas pinili nina Pacman at Gov. Chavit na kalimutan na ang kanilang naging alitan at ipagpatuloy ang nasimulan nilang magandang pagkakaibigan.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng anak ni Chavit na si Ako Ilocano Ako Party List Rep. Richelle Singson-Michael ang good news tungkol sa pagbabati ng nagkatampuhang matalik na magkaibigan.

Ang caption ni Richelle sa nasabing IG post ay, “Because Friendship is stronger than Politics (heart emoji).”


Makikita sa litrato at video na ipinost ng kongresista ang muling pagkikita nina Pacquiao at Chavit kung saan nagyakapan pa ang mga ito na halatang na-miss nang bonggang-bongga ang isa’t isa.

Kung matatandaan, noong mag-anunsiyo si Pacman last year ng kanyang pagreretiro sa pagboboksing para lumaban sa 2022 presidential elections, pinasalamatan niya ang lahat ng naging bahagi ng kanyang journey bilang boksingero.

Ngunit marami nga ang nagtaka na hindi man lang niya nabanggit ang pangalan ni Chavit na nakilala bilang isa sa mga malalapit niyang kaibigan at halos kasama niya noon sa kanyang mga laban.

Sa panayam kay Singson noon ng Bombo Radyo Philippines sinabi nito ang dahilan ng hidwaan nila ni Pacquiao, “First time kong di nanood, dahil sa paglaglag niya sa akin na wala sa lugar.”

May konek daw ito sa pagsuporta ni Manny noon bilang senador sa panukalang taasan pa ang buwis sa tobacco industry, na isa sa mga ikinabubuhay ng mga taga-Ilocos.

Ang katwiran naman ni Pacquiao hinggil dito, “Kinausap niya ako sa tobacco tax increase. Huwag ko daw ituloy. Pero sabi ko, ‘Pasensiya ka na. Best friend kita pero hindi kita mapagbibigyan.'”

Chavit Singson nagpaagaw ng pera gamit ang ‘golden gun’, may mga natuwa pero marami ring nagalit

Chavit sa banggaan nila ng anak sa 2022: Ang tatay ang magtuturo sa anak, hindi anak ang magtuturo sa tatay…

Singson planong karirin ang pagpo-produce ng K-drama; na-inspire nga ba sa tagumpay ng Squid Game?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending