Chavit Singson nagpaagaw ng pera gamit ang ‘golden gun’, may mga natuwa pero marami ring nagalit
Chavit Singson
IBA’T IBA ang naging reaksyon ng mga netizens nang mapanood ang kontrobersyal at viral na ngayong video ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson.
Ito ay ang pagpapaagaw at pamumudmod niya ng pera sa kanyang mga kababayan bilang bahagi ng selebrasyon ng Niños Inocentes o Feast of the Holy Innocents kamakalawa, Dec. 28.
Ngunit sa halip na ipaagaw sa pamamagitan ng kanyang kamay, golden gun ang ginamit ni Singson par la magpaulan ng pera para sa mga residente ng Narvacan.
Ipinost ng politiko sa kanyang official Facebook page ang video ng pamumudmod niya ng pera kung saan makikita nga ang “pagbaril” niya gamit ang golden gun na bumubuga ng P100 at P500. Gumamit pa siya ng hashtag na #HappyHolidays at #SpiritOfGiving.
Kitang-kita sa video na tuwang-tuwa ang mga tagaroon habang nagkakagulo at nagsisigawan sa pag-agaw sa pera.
Maraming netizens ang nagsabi na ang swerte raw ng mga kababayan ni Singson dahil sa pagpapaagaw nito ng salapi na ang iba’y napa-sana all pa.
“Ang saya saya! Sana lahat ng politician ganyan. Share your blessings! Siguradong marami kayong mapapasaya!” ang comment ng isa pang nakapanood sa video.
“God bless you more and Good health sir Chavit!”
“Love it! May GOD BLESS YOU ALWAYS Sir CHAVIT and I wish good health and long life stay safe always.”
“May God bless you more as you continue to be a blessing not just to your constituents but also to many a multitude elsewhere.”
Pero may mga bumatikos din sa ginawa ng politiko. Sabi ng isang nag-post ng reaksyon sa FB page ni Singson, “Sana ibigay nang maayos. Bakit kailangang ipaagaw pa? Sana inabutan na lang niya lahat ang nandu’n.”
“Ginawang timawa ang mga tao,” sabi naman ng isang FB user.
“Give it with respect and dignity to people ,mahirap na kami Gina gawa nyo pang laruan,” komento ng isa pa.
“Panis si Pacquiao!” sabi ng isang netizen.
“Dapat binibigyan ng paabot para di nagkakasiksikan at tulsksn kawawa yong masaszkran tdpos walang madadampot.”
“Trabaho ang ibigay mo! wag mong gawing pulube mga tao. kaya hndi umuunlad ang bansa dhil sa gantong systema. Ginagawang pulube, uhaw ang mga tao. ang kapalit, Boto!”
Sabi naman ng mga supporters ni Singson, walang dapat ireklamo ang publiko sa ginawa nitong pamimigay ng pera sa mga taga-Narvacan dahil katuwaan lang ang lahat bilang bahagi ng kanilang paggunita sa Niños Inocentes.
Gusto lamang daw pasayahin ng politiko ang kanyang mga kababayan sa panahon ng kapaskuhan kaya huwag na raw sana itong banatan.
Samantala, naikumpara naman ng ilang netizens si Singson kay Sen. Manny Pacquiao dahil sa ginagawa rin nitong pamimigay ng pera sa mga taong nakakasalamuha niya sa pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Isa siya sa mga tumatakbong pangulo ng Pilipinas para sa national elections na magaganap sa May, 2022.
https://bandera.inquirer.net/294499/chavit-sa-banggaan-nila-ng-anak-sa-2022-ang-tatay-ang-magtuturo-sa-anak-hindi-anak-ang-magtuturo-sa-tatay
https://bandera.inquirer.net/296300/singson-planong-karirin-ang-pagpo-produce-ng-k-drama-na-inspire-nga-ba-sa-tagumpay-ng-squid-game
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.