Chavit Singson nagdala ng bagong 'pag-asa' sa Kalinga-Apayao

Chavit Singson nagdala ng bagong ‘pag-asa’ sa Kalinga-Apayao

Antonio Iñares - December 22, 2024 - 01:47 PM

Senatoriable Chavit Singson Nagdala ng Bagong Pag-asa sa Kalinga Apayao

NAGBIGAY ng star power si Senate hopeful Luis “Chavit” Singson sa pagbubukas ng Caroline Cares Cup sa maaliwalas na probinsya ng Kalinga-Apayao.

Imbitado ni Congressman Sonny Mangaoang at mainit na tinanggap ng kanyang asawa na si Dra. Caroline Mangaoang, hindi lang sports ang dala ni Singson, may kasama itong malaking pangarap para sa mas maunlad na Pilipinas.

Hindi lang tungkol sa basketball at volleyball ang pagtitipon; ito rin ay selebrasyon ng pag-asa.

Pinuri ni Mangaoang ang mga makabago at praktikal na proyekto ni Singson, kabilang ang Jeepney Modernization Program.

Sa programang ito, maaaring makakuha ang mga tsuper ng e-jeepney na walang collateral, walang down payment, at walang interest, isang malaking tulong para sa mga manggagawang Pilipino.

Baka Bet Mo: Leyte nagkaisa para kay Chavit, Gov. Mercado pinuri ang ‘Lifeline Projects’

Isa pang patok na proyekto ang “Banko ng Masa,” na layuning magbigay ng financial access sa bawat Pilipino.

Sa kasalukuyang study, 77% ng mga Pilipino ang walang bank account at 95% ang walang credit card.

Ang proyektong ito ay nagbibigay pag-asa na maabot ng mga kababayan ang financial inclusion, kahit sa pinakamalayong sulok ng bansa.

Pero ang pinakanakakuha ng atensyon ay ang “Chavit 500,” isang Universal Basic Income program na magbibigay ng ₱500 buwan-buwan sa mga Pilipinong minimum wage earner o mas mababa, simula 18 taong gulang pataas.

“Malaking ginhawa ito sa mga pamilya sa ating probinsya,” ayon kay Congressman Mangaoang na nagbigay-diin sa epekto nito sa mga taga-Kalinga Apayao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Di maikubli na sobrang at home si Singson sa harap ng Ilocano crowd. Nagpapatawa siya at ini-encourage ang mga atleta, tulad ng isang tunay na kababayan. “Masayang-masaya ako at sinuportahan niya ang Caroline Cares Cup,” ani Dra. Mangaoang.

Sa araw na iyon, para bang lahat ay panalo, mula sa kanyang mga proyekto hanggang sa kanyang masayahing personalidad, iniwan ni Singson ang Kalinga Apayao na puno ng pag-asa at inspirasyon para sa mas maliwanag na bukas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending