Leyte nagkaisa kay Chavit, Mercado pinuri ang Lifeline Projects

Leyte nagkaisa para kay Chavit, Gov. Mercado pinuri ang ‘Lifeline Projects’

Antonio Iñares - December 20, 2024 - 08:43 AM

Leyte nagkaisa para kay Chavit, Gov. Mercado pinuri ang 'Lifeline Projects'

Chavit Singson, Governor Mian Mercado

BONGGANG suporta ang sinalubong ni Chavit Singson nang magpunta siya sa Leyte bilang senatoriable.

Ayon kay Governor Mian Mercado, malaki ang pasasalamat nila sa mga proyekto nitong diretsong tumutugon sa pangangailangan ng masa.

Isa sa mga paborito ng Leyteños? Ang jeepney modernization program.

“Walang collateral, walang down payment, walang interest? Hindi lang ito simpleng programa,para itong lifeline ng mga tsuper natin,” sey ni Mercado.

Sa proyektong ito, nabibigyan ng e-jeepneys ang mga driver nang hindi sila nalulubog sa utang.

Baka Bet Mo: Angel Locsin, Bato dela Rosa nagkita sa Leyte, netizens nag-react: Darna ang bato!

Hindi lang sa jeepney umiikot ang plano ni Chavit dahil sa pamamagitan ng kanyang “Banko ng Masa,” balak niyang tulungan ang 77% ng mga Pilipino na walang bank account at ang 95% na walang credit card.

“Ito ang tunay na financial inclusion,” sambit ni Mercado, na naniniwalang malaking oportunidad ang hatid nito para sa mga Pilipino, lalo na sa Leyte.

Isa pang highlight? Ang “Chavit 500,” kung saan bawat Pilipino na 18 pataas na minimum wage earner ay makatatanggap ng ₱500 buwan-buwan.

Para sa gobernador, napakalaking bagay nito para sa mga Leyteño na hirap na hirap itawid ang pang-araw-araw na gastusin.

“Ito ang pag-asa na totoo,” dagdag pa niya.

Maging si Mayoral candidate Ina Mercado ay nagpahayag ng tuwa sa pagbisita ni Singson.

“Hindi lang senador ang makukuha natin kay Chavit. Siya ang magiging champion ng bawat Pilipino. Sisiguraduhin kong Leyte ang magpapalakas sa kanya,” saad niya sa Ingles.

Ramdam sa Leyte ang personal na koneksyon nila kay Singson, lalo na pagdating sa mga proyektong diretso sa masa tulad ng modernisasyon, banking access, at dagdag kita, hindi kataka-taka kung bakit solid ang suporta ng probinsya sa kanya.

Habang papalapit ang eleksyon, patuloy na pinatutunayan ng Leyte na hindi lang ito usaping politikal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang lider na handang maghatid ng makabuluhang pagbabago, sino ba naman ang hindi sasakay?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending