Mayor ng Taytay nagbigay ng boxer shorts kay Chavit Singson

Mayor ng Taytay nagbigay ng boxer shorts kay Chavit Singson bilang suporta

Antonio Iñares - November 27, 2024 - 05:42 PM

Mayor ng Taytay nagbigay ng boxer shorts kay Chavit Singson bilang suporta

MAY pasabog si Mayor Allan de Leon ng Taytay, Rizal—binigyan niya ng boxer shorts si senatorial candidate Chavit Singson bilang simbolo ng suporta!

Ang kakaibang regalo ay hindi lang paalala na Taytay ang “Garments Capital of the Philippines,” pero isang pasasalamat din sa mga proyektong hatid ni Chavit na ramdam ng karaniwang tao.

“Si Chavit, gawa agad, hindi puro salita,” sabi ni Mayor de Leon.

Paliwanag niya, “Yung jeepney modernization program niya, nakatulong sa maraming driver. Walang collateral, walang downpayment, at walang interest, sobrang laking tulong.”

Baka Bet Mo: Senatoriable Chavit Singson: Duterte, maaaring mamatay, ‘di makukulong

Pinuri rin ng mayor ang Banko ng Masa, na layong tulungan ang 77% ng mga Pilipino na walang bank account.

“Magandang oportunidad ito para sa mga taga-Taytay para makapag-ipon at makapagplano ng mas malaking pangarap,” dagdag niya.

Pero ang pinaka-paborito raw ni Mayor de Leon ay ang planong “Chavit 500” Universal Basic Income ni Singson.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng Pilipino na 18 pataas na kumikita ng minimum wage o mas mababa ay makakatanggap ng ₱500 kada buwan—habambuhay.

“Sa ₱500 na ‘yan, dagdag na pagkain, pambaon ng bata, o pang-tuition ang mapupundar. Malaking bagay para sa mga pamilya dito sa Taytay,” ani De Leon.

Kasabay ng boxer shorts na tinawag na “lucky boxers,” nagbitaw ng pangako si Mayor: “Nasa likod mo kami, Manong Chavit! Buong Taytay, suportado ka!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung talagang swerte ang dala ng “lucky boxers,” ay di pa natin nakikita.

Pero ang sigurado, naka-jackpot na si Singson sa suporta ng Taytay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending