1,000 residente sa Taytay, Rizal nakalibre sa Hospital on Wheels ng ‘Salamat Dok’ | Bandera

1,000 residente sa Taytay, Rizal nakalibre sa Hospital on Wheels ng ‘Salamat Dok’

- May 13, 2018 - 12:20 AM


MAHIGIT isang libo ang nabigyan ng serbisyong medikal ng Salamat Dok sa selebrasyon ng ika-14 na taon ng health show ng bayan sa Taytay, Rizal kasama sina Bernadette Sembrano-Aguinaldo, Alvin Elchico, at Jing Castaneda.

Tulad ng gawain nila linggo-linggo, isang medical mission ang hinatid ng programa kasama ang mga katuwang na volunteer at organisasyon sa mga taga-Taytay, kung saan 534 ang nakapagkonsulta ng libre, 312 ang nakakuha ng libreng gamot, 75 ang nabunutan ng ngipin, 73 ang natuli, 93 ang nabigyan ng libreng salamin, 58 ang na-ECG, 23 ang nagpasuri ng dugo, 20 ang nagpa-ultrasound, at 18 ang naoperahan ng libre para tanggalin ang mga bukol o isaayos ang cleft lip sa pamamagitan ng “Hospital on Wheels.”

Kasabay nito, nakasama rin nina Bernadette at Alvin sina Department of Health Secretary Dr. Francisco Duque III at Philhealth OIC-Vice President for corporate affairs Dr. Israel Pargas sa talakayan tungkol sa mga isyu sa dengue vaccine na Dengvaxia. Dito nagkaroon din ng pagkakataon ang mga magulang na makapagtanong ng diretso sa mga opisyal ng gobyerno tungkol sa mga tulong na maibibigay nila sa mga mamamayan.

Ani Sec. Duque, importante ang ginagampanang papel ng Salamat Dok para maipalaganap ang tamang impormasyon sa mga Pilipino ukol sa pangangalaga ng kalusugan ng buong pamilya.

Dagdag naman ni VP Pargas, patuloy silang magiging kaakibat ng adbokasiya ng programa, na mahigit isang dekada nang naghahatid ng impormasyon at aktwal na serbisyong medikal sa mga Pilipino sa tulong ng mga katuwang na volunteer at organisasyon mula sa gobyerno at pribadong sektor.

Kwento naman ng isang ginang na si Maria Rowena Almedora, malaking tulong sa kanilang pamilya ang pagbisita ng Salamat Dok, lalo na at may dala ito mga espesyalista at maraming serbisyong ibinibigay.

“Nakakapagpa-checkup naman kami pero kasi Salamat Dok ‘yan, mga espesyalista kaya nag-pursige kami. Nakakuha pa kami ng libreng salamin, matagal na akong may problema sa paningin,” pagbabahagi niya.

q q q

Sa programa, sinabi ni Alvin na silang mga pasyenteng gumaling sa kanilang karamdaman at nabago ang buhay ang nagsisilbing inspirasyon nila sa pagpapatuloy ng kanilang adhikain. Nagpasalamat naman si Bernadette sa malasakit ng mga Kapamilyang volunteer at organisasyon sa kanilang patuloy na pagsuporta sa mga proyekto ng Salamat Dok.

Isa rito ang “Hospital on Wheels” na bumibiyahe sa iba’t ibang lugar upang magbigay ng liberang operasyon sa mga Pilipinong malayo sa ospital o kaya ay walang pampa-ospital. Ani Jing, pupunta pa ang program sa iba’t ibang lugar para maghatid ng libreng serbisyong medikal sa pamilyang Pilipino.

Samahan sina Alvin Elchico, Bernadette Sembrano at Jing Castaneda sa patuloy na paglingkod sa pamilyang Pilipino sa health show ng bayan, Salamat Dok, tuwing Sabado (6 a.m.) at Linggo (7:30 a.m.) sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending