Magnanakaw kusang sumuko sa BJMP San Juan

Magnanakaw kusang sumuko sa BJMP San Juan

Pauline del Rosario - January 30, 2025 - 02:54 PM

Magnanakaw kusang sumuko sa BJMP San Juan

PHOTO: Courtesy of San Juan City Jail Male Dormitory BJMP

ISANG pambihirang tagpo ang naganap kamakailan nang isang wanted na indibidwal, na nahaharap sa kasong robbery, ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad. 

Sa kabila ng posibilidad ng mas mabigat na parusa, pinili ng lalaki na personal na magtungo sa San Juan City Jail Male Dormitory – Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang isuko ang sarili kay Warden J/CINSP Erico D. Llamasarez.

Agad namang inihatid ni Llamasarez ang surrenderee sa Mandaluyong City Police Station NCRPO, kung saan mabilis siyang tinanggap ni PSSg Hernan Perez, Warrant PNCO at Investigator ng nasabing himpilan, upang masimulan ang wastong proseso ng kanyang kaso.

Ayon sa warden, ang kusang pagsuko ng nasabing indibidwal ay nagpapakita ng lumalaking tiwala ng publiko sa BJMP. 

Baka Bet Mo: Bwelta ni Angelica sa netizen na affected sa ‘magnanakaw’: Sana maaral mo kung paano maging mabuting tao

“Ang insidenteng ito ay nagpapakita ng mataas na tiwala at kumpiyansa ng mga mamamayan sa BJMP sa pamamagitan ng kanilang transparency at integridad sa paghahatid ng serbisyo,” ayon sa isang pahayag.

Ani pa, “Patunay rin ito ng kooperasyon ng komunidad sa mga awtoridad, na nagsusulong ng batas at kaayusan sa ating lipunan.”

Magnanakaw kusang sumuko sa BJMP San Juan

PHOTO: Courtesy of San Juan City Jail Male Dormitory BJMP

Sa kabila ng mga kontrobersiya sa sistema ng hustisya, ipinakita ng insidenteng ito na ang kooperasyon sa pagitan ng komunidad at ng mga tagapagpatupad ng batas ay mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan sa lugar.

Ang kwento ng pagsuko ng wanted na indibidwal na ito ay isang paalala na laging may pagkakataon upang ituwid ang pagkakamali at harapin ang mas maliwanag na kinabukasan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending