Bwelta ni Angelica sa netizen na affected sa 'magnanakaw': Sana maaral mo kung paano maging mabuting tao | Bandera

Bwelta ni Angelica sa netizen na affected sa ‘magnanakaw’: Sana maaral mo kung paano maging mabuting tao

Therese Arceo |April 05,2022
facebook
share this

Bwelta ni Angelica sa netizen na affected sa ‘magnanakaw’: Sana maaral mo kung paano maging mabuting tao

Therese Arceo - April 05, 2022 - 08:56 PM

Bwelta ni Angelica sa netizen na affected sa 'magnanakaw': Sana maaral mo kung paano maging mabuting tao
PUMALAG ang batikang aktres na si Angelica Panganiban sa isang basher na bumabatikos sa kanya online.

Matatandaang nagpahayag ang aktres na balak na muna niyang magpahinga sa mundo ng showbiz dahil ipinagbubuntis niya ang panganay nilang anak ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Sa kabila naman ng pagpapahinga ni Angelica sa showbiz ay ang plano niyang pasukin ang mundo ng pagba-vlog na bagay na bagay naman sa kanyang personality dahil talagang kwela naman ang aktres.

Halo-halo naman ang naging reaksyon ng netizens at mga taga-suporta ng aktres patungkol sa kanyang announcement.

May isang netizen ang tila nalungkot sa pagpapahinga ng aktres sa paggawa ng mga teleserye at pelikula na nireplyan naman ni Angelica.

“Hahahaha. Okay lang yan. Mabuti nga at marami naman akong nagawang projects. Marami kayong pwede balik balikan.

“Balato n’yo na sakin ang buhay ko ngayon. 30 years naman na ko sa inyo!” reply ni Angelica.

 

Sa naturang thread na ito ay may isang basher ang sumingit at sinabing tama lang daw na magpahinga na ang aktres.

“Tama yan magpahinga ka na lang at mag alaga ng magiging anak nyo… para malaman mo kung paano maging mabuting tao. Hindi yung puro ka ‘magnanakaw’ ang sinasabi ng bibig mo,” saad ng basher.

Hindi naman ito pinalagpas ni Angelica at pumalag ito sa basher.

“Sana ikaw din maaral mo kung paano maging mabuting tao. Hindi yung affected ka sa salitang magnanakaw,” maanghang na sagot ni Angge.

 

Well, nagmula siguro ang hugot ng basher mula sa trending campaign video ni Angelica in partnership with Young Public Servants.

Ang naturang campaign video ay may dalawang parte kung saan pinaalalahanan ng aktres ang mga Pilipino patungkol sa tamang pagpili ng mga kandidatong dapat iboto sa darating na eleksyon at ipinagdiinan rin niya na huwag nang magpabudol at huwag nang pumili ng magnanakaw.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Hiling ni Angelica Panganiban sa fans: Balato n’yo na sa ‘kin ang buhay ko ngayon

Angelica halos mabaliw nang malamang buntis: Natatakot ako! Kaya ko ba magpalaki ng bagets?

Angelica Panganiban ayaw nang maniwala sa ‘kembak’: Kapag may history ng pambubudol, never again!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending