Angelica halos mabaliw nang malamang buntis: Natatakot ako! Kaya ko ba magpalaki ng bagets? | Bandera

Angelica halos mabaliw nang malamang buntis: Natatakot ako! Kaya ko ba magpalaki ng bagets?

Ervin Santiago |March 22,2022
facebook
share this

Angelica halos mabaliw nang malamang buntis: Natatakot ako! Kaya ko ba magpalaki ng bagets?

Ervin Santiago - March 22, 2022 - 07:16 AM

Angelica Panganiban halos mabaliw nang malamang buntis

Angelica Panganiban

“MABABALIW ako!” Ito ang nasambit ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban nang malamang nagdadalang-tao na siya sa panganay nila ng kanyang boyfriend na si Gregg Homan.

Base sa maikling video clip na ipinost ng kanyang kaibigan na si Alora Sasam, kitang-kita ang pagka-shock ni Angelica nang makumpirmang buntis na nga siya.

“S***, kaya ko ba magpalaki ng bagets?” ang hirit pa ng aktres  habang naiiyak na sa sobrang kaligayahan matapos makita ang resulta ng kanyang pregnancy test.

Tanong sa kanya ni Alora, “Happy ka?” na sinagot ni Angelica ng, “Hindi ko pa alam. Mababaliw ako!”

Pag-amin pa ng future mommy, “Gusto ko ‘to, pero natatakot ako! “S***, kaya ko ba? Natatakot ako! Kaya ko ba magpalaki ng bagets?”

Narito naman ang caption ni Alora sa kanyang IG post na kinunan daw last Febraury, “Nong ipapatawag mo sa anak mo sayo? @iamangelicap: Ang Mamah.

“Nagpost na ang Mamah, pwede ng maglabas ng resibo. “Congratulations madam!!! Isang karangalan na mapasama sa araw na nalaman mo ang napakasayang blessing na ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by alora sasam (@alorskieee)


“Chuskopo gigil pa ng yakap ko sayo pagkita natin sabay buhat pa, bago mo ipakita sa akin ang ebidensya. Sakit panga ko kakangiti habang pinagmamasdan kang in shock, iyak-iyak, excited, di mapakali na ewan.

“At Hirap itago ah! Excited pa naman akong makatrabaho ka ulit (top reason ka bakit tinanggap ko diba? Lamoyan!) pero kebs na dahil kapalit nun ang matagal mo ng pinapangarap. Marami kaming prayer warriors mo.

“Stay healthy and have a happy roller coaster paglilihi. i love you kaayo as in. haaay Ang saya saya!!!!!! May susunod na kabanata na ang… Ang Alamat ni Angelica Book 2.”

Nauna rito, ibinandera nga ni Angelica ang good news sa pamamagitan ng kanyang IG account kalakip ang litrato nila ni Gregg Homan na kuha sa isang beach resort, “Sa wakas! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko kaiyaq pramis,” ang excited pang pahayag ng aktres.

Angelica: Magiging ganap na ina na po ako…opo, may matres ako mga baklaaah!

B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Kim, Bela botong-boto sa BF ni Angelica: This man is #AngBeKi approved per DTI NCR number…!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending