Hiling ni Angelica Panganiban sa fans: Balato n'yo na sa 'kin ang buhay ko ngayon | Bandera

Hiling ni Angelica Panganiban sa fans: Balato n’yo na sa ‘kin ang buhay ko ngayon

Therese Arceo |March 30,2022
facebook
share this

Hiling ni Angelica Panganiban sa fans: Balato n’yo na sa ‘kin ang buhay ko ngayon

Therese Arceo - March 30, 2022 - 08:11 PM

Hiling ni Angelica Panganiban sa fans: Balato n'yo na sa 'kin ang buhay ko ngayon

MAY pakiusap ang aktres na si Angelica Panganiban sa madlang pipol na sana ay ibalato na sa kanya ang pagpapahinga niya sa showbiz ngayong nagdadalangtao na siya.

Ito ay matapos ihayag ng aktres sa kanyang Twitter account na papasukin na rin niya ang mundo ng pagba-vlog.

“Soooo, iniisip ko mag start ng vlog, kung sakali? Ano ang mga tanong/gusto niyo malaman sa panibagong journey ng buhay ko ngayon? Hanggat kaya sagutin, subukan namin sagutin yarn. Game?” saad ni Angelica.

Inulan naman ng comments mula sa mga taga-suporta ni Angge ang naturang tweet ng aktres.

May netizen naman na nagtanong kung magpu-full time mom and wife na ba si Angelica o may balak pa rin itong bumalik sa showbiz.

“Nakakakaba ‘yung question,” sagot ng aktres.

Comment naman ng isa, “Kailan mo narealize na it’s all worth it?”

“Ang tapang ng tanong sissy! Kasing tapang mo! Sagutin ko yan sa vlog,” sey naman ni Angelica.

Pero isang tagasuporta naman ang tila nalulungkot dahil sa pagpapahinga ng aktres sa mundo ng showbiz.

“Mami huhu nasesenti ako sa pagpapahinga mo sa showbiz. To reminisce po, ano po ang favorite role na nakuha n’yo?” tanong ng netizen.

Sey ni Angelica, “Hahahaha. Okay lang yan. Mabuti nga at marami naman akong nagawang projects. Marami kayong pwede balik balikan.

“Balato n’yo na sakin ang buhay ko ngayon. 30 years naman na ko sa inyo!”

Matatandaang nitong March 20 ay finally, inamin na ni Angelica na ipinagbubuntis na niya ang panganay nilang anak ng non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako,” sey ni Angge.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko. kaiyaq pramis,” dagdag pa niya.

Bago pa man ang pag-amin ni Angelica ay nauna nang kumalat ang chika na baka buntis ang aktres dahil sa mga outfit nito maging ang mga Instagram stories niya na hilaw na mangga na madalas na pinaglilihian ng mga pregnant women.

Related Chika:
Angelica magiging nanay na raw, buntis na sa panganay nila ng non-showbiz dyowa?

Angelica Panganiban buntis nga ba at naglilihi sa manggang hilaw?

Angelica halos mabaliw nang malamang buntis: Natatakot ako! Kaya ko ba magpalaki ng bagets?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending