Senatoriable Chavit Singson: Duterte, maaaring mamatay, ‘di makukulong
Hindi naniniwala si Senatorial Candidate Luis “Chavit” Singson na makukulong si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kasong isinusulong laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng naging kampanya laban sa droga ng kanyang administrasyon.
“Hindi makukulong [si Duterte],” sabi ni Singson. “Maaaring mamatay, pero hindi makukulong.
Sumalang sa QuadComm hearing sa kongreso si Duterte kung saan hinamon niyang madaliin ng ICC ang imbestigasyon dahil matanda na siya, “Baka mamatay na ako, hindi na nila ako ma-imbestiga.”
Baka Bet Mo: Imbestigasyon ng ICC pre-trial chamber sa drug war campaign ni Pangulong Duterte, aprubado na
Ipinagtanggol din ni Singson ang mga naging pahayag ni Duterte sa kongreso na ayon sa kanyang mga kalaban ay maaaring gamitin laban sa kanya ng ICC.
“Kung minsan nagbibiro naman ‘yon eh,” ika niya.
Patuloy pa ng senatoriable candidate, “‘Yun lang ang presidente na natural. Lahat ng kilos niya natural, kaya nagmumura. Hindi plastik ‘yon.”
Pagdidiin ni Singson, “Walang mangyayari diyan sa ICC.”
Tatakbo bilang senador si Chavit sa platapormang E-Jeepneys, Banko ng Masa, at Universal Basic Income o Chavit 500.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.