Senatoriable Chavit Singson hindi ‘masamang damo’

Senatoriable Chavit Singson hindi ‘masamang damo’

Antonio Iñares - November 26, 2024 - 04:40 PM

Senatoriable Chavit Singson hindi ‘masamang damo’

SA unang pagkakataon sa harap ng kamera, napaluha ang senatorial candidate na si Chavit Singson.

Sa unang episode ng “The Chavit Legacy,” isang documentary series ng Peanut Gallery Media Network (PGMN) na ibinandera sa opisyal na Facebook page ni Singson, ipinakita ng senatoriable ang isang aspeto ng kanyang pagkatao na may malalim na malasakit sa kanyang mga kababayan at may seryosong hangarin para sa kapayapaan.

“Ngayon ko lang kayo nakita nang ganito (I’ve never seen you like this),” wika ng interviewer habang pinupunasan ni Singson ang kanyang mga mata.

Nang tanungin kung anong alaala ang nagpapaiyak sa kanya, binanggit ni Singson ang pagsunog sa dalawang barangay sa Ilocos Sur—Ora Este at Ora Centro—noong dekada sitenta.

Ayon kay Singson, dalawang babae ang gumising sa kanya ng alas-sais ng umaga at nagsabing, “Sir, sinusunog po ang mga bahay namin. Pero lumalaban po ang mga asawa namin.”

Baka Bet Mo: Chavit kay Carlos: Kausapin mo pamilya mo, ‘wag mo na silang pahirapan

Pinayuhan ni Singson ang mga biktima na huwag nang lumaban at nangako siyang kakausapin ang provincial commander para itigil ang pag-atake.

Sa usapan nila ng commander, sinabi ni Singson na hindi magsasampa ng kaso ang mga biktima laban kay Bingbong Crisologo at mga tauhan nito, basta matigil na ang pag-atake at magkaroon na ng kapayapaan.

Sinabi ni Chavit na siya na rin daw ang magbabayad sa mga nasirang bahay.

Nangako naman ang commander na nakausap na niya si Crisologo at wala nang mangyayaring sunog.

Kinabukasan, ayon kay Singson, bumalik ang dalawang babae.

“Sir, sabi niyo po huwag nang lumaban, pero sinunog pa rin nila ang lahat,” sabi nila na kung saan ay dalawang buong barangay ang sinilaban.

Sa basag na boses, sinabi ni Chavit, “I felt guilty.”

Ito ang panig ni Singson na bihirang makita ng mga tao.

Madalas siyang tawaging “masamang damo” dahil maka-ilang beses na siyang nakaligtas sa mga pananambang at mga sakuna, ngunit ipinakita sa dokumentaryong ito ang aspeto ng pagkatao niya na malayo sa imaheng nasa isip ng marami.

“Ang paniwala ko kasi sa buhay, destiny. Kung ‘di mo oras, ‘di mo oras,” aniya.

Isa sa mga pinakatumatak na bahagi ng documentary ay nang ikuwento ni Singson ang pagpapalaya sa kanyang mga dating kaaway, kabilang si Bingbong Crisologo.

Sa kabila ng mga patayan, pinili ni Singson ang pagpapatawad kaysa paghihiganti.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pinatawad ko lahat,” wika niya.

Ang kwento ni Chavit ay hindi ng isang “masamang damo” na hindi mamatay-matay, kundi ang kwento ng isang taong nagnais ng kapayapaan para sa noo’y magulong probinsya ng Ilocos Sur.

“Wala akong ginantihan. Bahala na ang Diyos,” sambit niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending