Atty. Levi Baligod sa mga artistang papasok sa politika: Dapat tayo ay maging role models
NAKAKAALIW ka-tsikahan ang high-profile lawyer ni Benhur Luy, ang principal whistleblower sa 10 billion Pork Barrel Fund Scam case ni Janet Lim-Napoles, si Atty. Levi Baligod.
Humarap kaninang tanghali sa entertainment media si Atty. Baligod na umaming gustung-gusto niya ang ex-loveteam and lovers na sina Richard Gomez at Dawn Zulueta noon kaya kung sakaling isasapelikula ang buhay niya ay ang dalawang nabanggit ang gusto niyang gumanap.
Bakit si Goma, tanong kaagad kay atty Levi, “well si Richard, kasing itim ko, ha, ha, pero mas guwapo siya.”
Obviously kaya nabanggit ng abogado si Goma ay dahil kababayan niya ito sa Leyte sa magkaibang distrito lang sila at maayos daw ang Ormoc City, 4th District na pinangungunahan ng mag-asawang Richard at Lucy Torres-Gomez bilang kongresista at mayor respectively.
Baka Bet Mo: Ivana Alawi, Dustin Yu kinakiligan, may chance kaya sa outside world?
View this post on Instagram
At dahil dito ay gustong maging maayos din ni Atty. Baligod ang 5th district ng Leyte dahil laganap daw doon ang droga at iba pang problema sa kabuhayan ng mga mamayan doon.
Kaya naman nu’ng nakaraang taon ay nag-file siya ng kanyang certificate of candidacy for congressman sa darating na May 2025 election at hahamunin niya ang incumbent congressman na si Carl Nicholas Cari.
Kilalang anti-graft advocate si Atty. Levi at may matibay na paninindigan laban sa katiwalian sa bansa at gusto rin niyang isulong ang transparency at accountability sa pamamahala.
Natanong kung may mga sikat na celebrities na kliyente si atty Levi, “wala akong celebrity cases aside from PDAF, may tinulungan akong halos isang libong magsasaka na nabentahan sila ng defective corn seeds halos tatlong buwan silang naghintay sa kanilang ani at pagbukas nila, bungi-bungi, walang laman.
“So, tinulungan ko sila maka-recover ng kanilang damages at foreign company ‘yung nagbenta sa kanila, mga ganu’n po ang mga hawak ko at marami akong tinutulungan na may kasong wala silang kasalanan at iba pa. Mas gusto ko ‘yung mga kasong mahirap pero nakikita ko na mali ‘yung inaakusahan.”
Maraming magagandang plano si atty Baligod para sa bansang Pilipinas kaya natanong na dapat sa mas mataas na kapulungan (senado) ang pasukin niya at hindi ang kongreso.
“Ang political culture kasi ng Pilipino tinitingnan nila ‘yung sikat na ‘yung may kakayahan sa resources makapaglagay ng streamers (buong bansa), wala tayong ganu’n resources kaya tayo ay gusto nating magbigay ng tunay na serbisyo kaya doon muna tayo sa sariling lugar (lalawigan) na ‘yung problema ng bansa ay naroon din sa lugar namin,” saad ng abogado.
Unang binanggit ni atty Baligod ang kahirapan sa 5th district ng Leyte dahil maraming mahirap na hindi makapagpagamot sa hospital dahil walang pambayad at pambili ng gamot.
Tinalakay din ni atty Levi na hindi maganda ang pamimigay ng ayuda.
“Ayuda is the worst form of government program dahil umaasa na lang, sab inga sa Bibliya, ‘teach a man to fish and you feed him for a lifetime,” katwiran ng abogado.
Kung sakaling manalo siya bilang kongresman ay mamahagi siya ng ayuda sa ibang paraan.
“Kung meron mang pondo sa ayuda puwedeng hilingin na i-convert sa ibang programa tulad ng food security na magkaroon ng barangays food center at ‘yung barangay mismo officials ang bibili mismo ng mga produkto ng magsasaka,” plano ni atty Levi.
Samantala, may payo ang abogado sa mga artistang pumapasok sa politika.
“Unang-una hindi bawal sa kanila ang pumasok. Ang public service ay isang mabigat na obligasyon, isang mabigat na responsibilidad at kung sa tingin ng kandidato ay kaya niyang bitbitin ang responsibilidad ng isang government official ay pupuwede naman.
“Ang pakiusap ko lang sa mga tumatakbo dapat tayo ay maging role models, we should not just dreams to become leaders of this country, we must endeavor to become role models (tulad ng ) hindi sila maging corrupt,” saad nito.
Ang mga botante raw kasi ngayon ay mas pinipili nila ang mga artista dahil nae-entertain sila kaysa iboto ang mga matalinong magnanakaw.
Kasi kung bobong magnanakaw naman ay posibleng maisahang itong ipahuli pero ang matalino ay kaya raw itong itago.
“Ang pagkakakilala sa kanila (mga artista) ay dahil matagal na kaya pasok kaagad sila (sa mga botante) tulad ni Willie Revillame, pasok kaagad siya (magic 12),” paliwanag ni atty Levi.
Walang planong kumuha ng artistang mage-endorso sa kanyang kandidatura ang high profile lawyer, “wala po akong resources, I will run based on my credentials,” pagtatapos ni atty Baligod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.