Angel Locsin, Bato dela Rosa nagkita sa Leyte, netizens nag-react: Darna ang bato!
BUMISITA ang aktres at philanthropist na si Angel Locsin sa Palo, Leyte para mamahagi ng tulong sa mga kababayang naapektuhan ng bagyong Agaton.
Matapos ang kanyang pamamahagi ng tulong ay napagdesisyunan na rin niyang maglibot-libot para ikampanya ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo na tumatakbo sa pagkapresidente ngayong darating na May 9 national elections.
Habang nangangampanya ay hindi inaasahan magkita sina Angel at si Sen. Bato dela Rosa sa Balocawe Evacuation Center habang naminigay ito ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Ibinahagi naman ng aktres ang kanilang larawan ng senador na nag-shake hands pati na rin ang ibang larawan habang isinasagawa ang house-to-house campaign.
“Kumausap. Makinig. Tao sa tao. Puso sa puso. Sama ka na!” caption ni Angel sa kanyang social media post.
View this post on Instagram
Bagamat magkaiba ang kanilang partidong sinusuportahan ay hindi ito naging dahilan para hindi magpansinan ang dalawa.
Aware naman ang lahat na ang sinusuportahan ni Angel ay ang tambalan nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan samantalang si Sen. Bato ay iniendorso si Davao City Mayor Sara Duterte.
Marami rin ang mga nag-react na netizens sa larawan nina Angel at Sen. Bato.
“Darna ang bato literal, pero wag mong lunukin,” pabirong comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Ganito sana dapat ang isang pagkakaisa na campaign. Maging masaya para sa isa’t isa kahit magkaiba man ang iyong kandidato. Respeto at pagpapakumbaba kaysa punong-pubo ng galit ang isa’t isa sa atin at pagpapahiwatig ng mga salitang hindi nakakaganda para sa kabataan.”
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkita sina Angel at Sen. Bato. Noong 2017 ay nagkasama na sila kung saan inamin ng senador na may crush siya sa aktres.
Related Chika:
Angel nagpaka-Darna uli, bumisita sa Leyte para tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Agaton
Gretchen handang ilantad ang ebidensya laban kay Bato tungkol sa e-sabong; senador rumesbak
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.