Asawa ng kilala at mayamang aktres matabang pa rin ang pakikitungo sa 'matapobreng' in-laws | Bandera

Asawa ng kilala at mayamang aktres matabang pa rin ang pakikitungo sa ‘matapobreng’ in-laws

Reggee Bonoan |April 15,2023
facebook
share this

Asawa ng kilala at mayamang aktres matabang pa rin ang pakikitungo sa ‘matapobreng’ in-laws

Reggee Bonoan - April 15, 2023 - 10:41 PM

Asawa ng kilala at mayamang aktres matabang pa rin ang pakikitungo sa 'matapobreng' in-laws
HINDI pabor ang magulang ng aktres sa napangasawa niyang hindi taga-showbiz noon dahil nga kung ikukumpara ito sa estado ng buhay nila ay sobrang layo dahil ordinaryong manggagawa ang magulang ng lalaki.

Pero dahil sa pagsisikap ng magulang ng lalaki ay umunlad ang buhay nila at ang naging asawa ng aktres ay nagsikap din ng husto at nakapagpatayo ng sarili rin nitong negosyo na kahit dumaan ang COVID-19 pandemic ay hindi naman ito naapektuhan kaya dire-diretso ang pag-unlad.

Medyo spoiled ang aktres sa magulang at lahat ng gusto ay ibinibigay lalo na noong bagong kasal at nagkaroon agad ng anak kaya nang lumaki ang apo ay sobrang spoiled din bagay na kinokontra ng asawa ng aktres, pero wala siyang magawa dahil powerful ang mga biyenan niya sa sirkulasyong kabilang sila.

At dahil umasensyo na nga ang asawa ng aktres at kaya na nitong sumabay sa mga biyenan niya ay sobrang papuri na ang sinasabi ng magulang ng aktres sa manugang nila na nakangiti naman kapag nakaririnig ng magagandang salita, pero sa sarili ay may kimkim itong sama ng loob dahil sa ginawa sa kaniya noong mag-dyowa palang sila ng aktres hanggang sa ikinasal na nga.

Sa kasalukuyan ay matabang pa rin ang pakitungo ng asawa ng aktres sa mga biyenan niya dahil alam nitong hindi sincere ang pakitungo sa kanya.

Baka Bet Mo: Female celeb napakasimple at super tipid kahit mayaman ang magulang: Yung car nga niya ang luma-luma na

* * *

Sold out na ang tickets ngkauna-unahang fan meeting ng HORI7ON na “Hundred Days Miracle: HORI7ON First Fan Meeting limang araw pa lang nang nagsimula ang bentahan nito.

Hindi na nga mapakali ang fans na makati sina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng at Winston Pinedang personal sasa Abril 22 sa New Frontier Theater.

Nagtrending din ang parehas nilang hashtag na #HORI7ONFirstFanmeeting at #100DaysMiracle sa Twitter noong Sabado (Abril 8). Sa ngayon, tanging balcony tickets na lang ang available.

Samantala, tumabo naman ng higit dalawang milyong views ang music video ng kanilang pangalawang debut single na “Salamat.”Inaalay nila ang nasabing kanta para sa kanilang mga tagahangang sumuporta sa kanila noong nasa “Dream Maker” pa sila hanggang sa nalalapit na debut nila ngayong Hunyo.

Bukod pa dyan, umabot na rin sa higit 100,000 streams sa Spotify ang kanilang unangpre-debut single na “Dash.”

Marami-rami na nga ang achievements na nakukuha ang grupong HORI7ON na nabuo noong isang buwan matapos hinirang na winners sinaJeromy, Marcus, Kyler, Vinci, Reyster , Kim at Winston ng idol survival show na “Dream Maker.”

Para sa karagdagang impormasyon tungkol saHORI7ON, ifollow ang @HORI7ONofficial sa Facebook, Instagram, Twitter, YouTube, at Tiktok.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Chika:
Kilalang aktres nabuntis, nanganak noong kasagsagan ng pandemya: Na-shock kami kung sino ang tatay!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilalang aktres idinemanda ng super rich na katrabaho matapos tamaan ng ‘lumilipad’ na sapatos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending