Kilalang aktres idinemanda ng super rich na katrabaho matapos tamaan ng ‘lumilipad’ na sapatos
HOW true na nademanda pala ang isang aktres na ang pagkakakilala namin noon ay mabait pero maldita na pala ngayon.
Idinemanda ang aktres ng katrabaho niyang mega-rich dahil tinamaan ito sa dibdib nang ibato ng una ang sapatos na hindi niya type isuot.
Nangyari ito sa isang commercial shoot kung saan hindi nagustuhan ng aktres ang sapatos na ipinasusuot sa kanya ng production kaya ibinato niya ito at tinamaan ang mega-rich na ka-work.
Ang ending, nagdemanda si mega-rich co-star na talagang galit na galit at dahil aminadong kasalanan ito ng aktres kaya nakipag-areglo siya to the max at humiling din ito ng news blackout sa kanyang management agency.
E, hindi na naman mapipigilan ng aktres ang mga “Marites” sa fiscal’s office kaya kumalat ito at pinagpipiyestahan ngayon ng mga nakakaalam ng kuwento.
Wala na ring control ang katrabahong mega rich ng aktres sa mga Marites dahil hindi na naman ito abot ng kanilang mga kamay.
Naibulong din sa amin na kapag pangalan ni aktres ang kasama sa isang project ay maraming taga-production ang umaatras.
“Kesa naman makarinig kami ng hindi maganda. Ang layo-layo na ng ugali niya noon sa ngayon, hindi naman siya dating ganyan,” tsika sa amin ng ilang beses nang nakatrabaho ng aktres.
Nalulungkot kami sa pagbabago ng aktres dahil ang alam namin ay okay siya, down to earth at tumutulong din sa mga nangangailangan.
Wish namin ay ibalik ng aktres ang dati niyang ugali para muli siyang mahalin ng mga naka-work niya noong nagsisimula pa lang siya.
“Hangga’t nandiyan ang jowa niya hindi ‘yan magbabago. Pareho sila kasi,” sabi ulit ng aming source.
Sharon inaming magkaiba ang ugali nila ni KC: Pero mabait siyang anak
Iza hindi na bumibili ng sapatos, mas gustong mag-invest sa ‘experience at relationship’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.