Sharon inaming magkaiba ang ugali nila ni KC: Pero mabait siyang anak Bandera

Sharon inaming magkaiba ang ugali nila ni KC: Pero mabait siyang anak

Reggee Bonoan |April 27,2021
share this

Sharon inaming magkaiba ang ugali nila ni KC: Pero mabait siyang anak

Reggee Bonoan - April 27, 2021 - 05:40 PM

HINDI itinanggi ni Sharon Cuneta na magkaiba sila ng panganay niyang si KC Concepcion dahil kahit na siya pa ang nagpalaki sa anak hindi ibig sabihin na kailangan pareho na sila ng ugali.

Bukas naman sa lahat na mag-isang pinalaki ng Megastar ang anak dahil bata pa lang si KC nang maghiwalay ang magulang niya.

Nabanggit noon ni Sharon na ginawa niyang araw ang gabi sa pagtatrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang panganay.

Sa obserbasyon ng lahat ay tila mas malapit si KC sa tatay nitong si Gabby Concepcion patunay na mas madalas silang magkasama kumpara kay Sharon.

Ayon sa isang fan, “As a fan and an observer, I just hope you and your eldest are okay now. It’s depressing that she seems to be more close to the biological father these days than you, the mother who raised her, gave her good education, and all the luxuries life can offer.

“Hope she visits you and the fam to also have some bonding time with siblings…wish you both a harmonious relationship God bless!” sabi pa ng netizen.

Sinagot ni Shawie ang fan at inaming opposite talaga sila ni KC pero ipinagdiinan ng aktres, singer at TV host na mabait na anak ang kanyang panganay.

“Thank you so much. Everyone is different. Even if you raise them, it doesn’t necessarily follow that they will be like you. But she is a good kid. We just happen to be total opposites,” saad nito.

Samantala, mamimigay naman si Kristina Cassandra ng bisikleta bilang bahagi pa rin selebrasyon ng kanyang kaarawan noong Abril 7.

Ang caption sa larawan ng mga naggagandahang bisikleta, “BIRTHDAY BLOWOUT! For my birthday, I decided I would continue to do my part in helping out fellow Filipinos in these trying items, in all the ways I can.

“That’s why we’re starting out by giving away 6 gorgeous bicycles to 6 deserving fans / followers tomorrow 04.27  (ngayong araw) on @cornerstone FB live at 7pm. Details on poster in stories.

“All my love to my achi @chemistpinkytobiano for inviting me on @gratefultuesdays – and to @migotilyomanila and the @betterbikeph fam for helping me out! #KCCares,” pahayag pa ng singer-actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending