Jolina feeling Cinderella sa mamahaling sapatos na iniregalo ni Regine: Na-shock ako, kumasya! Fit na fit! | Bandera

Jolina feeling Cinderella sa mamahaling sapatos na iniregalo ni Regine: Na-shock ako, kumasya! Fit na fit!

Ervin Santiago |March 16,2022
facebook
share this

Jolina feeling Cinderella sa mamahaling sapatos na iniregalo ni Regine: Na-shock ako, kumasya! Fit na fit!

Ervin Santiago - March 16, 2022 - 07:26 AM

Regine Velasquez at Jolina Magdangal

Regine Velasquez at Jolina Magdangal

LUMEBEL kay Cinderella ang  Kapamilya TV host-actress na si Jolina Magdangal matapos matanggap ang bonggang regalo sa kanya ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Nag-ala-fairy godmother kasi si Regine sa co-host niya sa morning show na “Magandang Buhay” nang bigyan niya ito ng mamahalin at napakagandang sapatos.

Sa Instagram account ni Jolens, ibinandera niya sa madlang pipol ang litrato ng isang pares ng Dolce & Gabbana pumps na ibinigay daw sa kanya ng nag-iisang Songbird.

Sey ni Jolina, talagang shookt ang beauty niya nang matanggap ang pasorpresa ni Regine. Hindi raw niya in-expect na isa siya sa mga masusuwerteng nabigyan ni Regine ng super expensive shoes lalo pa’t magkaiba naman sila ng shoe size.

“Share ko lang…May isang taong very generous. ‘Pag nakita niya na bagay sa taong ito kung anumang gamit meron siya, binibigay nya.

View this post on Instagram

A post shared by 🍀🦋 Jolina Magdangal Escueta 🦋🍀 (@mariajolina_ig)


“At isa na nga ang mga super gaganda at branded shoes nya. May mga kaibigan ako na nabigyan na niya ng shoes kasi magka-size sila.

“Pare-pareho silang size 6. Kaya sabi ko… naku malabo na ako kasi 4 1/2 ako (Hahaha! Manika lang),” bahagi ng caption ni Jolina sa kanyang IG post.

“PERO!!!!! Totoo nga ang kasabihang ‘Never lose hope.’ Nung isang araw, pasuot na siya ng napakaganda niyang sapatos, biglang sabi niya sa kin, ‘Sukat mo nga Jolens.’

“Bigla akong kinabahan, kaya dinahan-dahan ko ang pagsuot ng sapatos na parang nung sinusuot ‘yung Glass Shoes ni Cinderella, at ang naiisip ko… ‘Ito na yata ang moment ko!'” sabi pa ng TV host at singer.

Sobra raw ang tuwa niya nang magkasya sa kanya ang sapatos ni Regine, “KUMASYA!!!!!!! Fit na fit!!!!!! At narinig ko nga ang matamis na, ‘Sige sayo na.’ Muntik ako mapakanta ng ‘This is the Moment’ ni Erik Santos.

“To my Fairy Godmother (at Fairy Godmother ng karamihan) ate @reginevalcasid, maraming salamat!!!

“‘Di ako makapaniwala na may nagkasya sakin na shoes mo kaya nilagay ko siya sa side table ko. Hahahahaha! I love you Ate!!!” mensahe pa ni Jolens.

“Isusuot ko ba o ipapa-glass box frame ko? Ano tingin nyo…comment na!” hirit pa ni Jolina.

Nagkomento naman ang Songbird IG post ng celebrity mommy, “Ang cute mo Jolen. But you have to wear it, masisira ‘pag hindi eh. Love you.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jolina hindi kailanman naisip talikuran ang pagiging Kapamilya… kahit sarado na ang ABS-CBN

Heart umaming certified Jolina fan; may branded bag na isa sa pinakamahal sa buong mundo

Madam Inutz hindi matanggap ang pagiging ‘Marites’: Nanggigigil ako!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending