Female celeb napakasimple at super tipid kahit mayaman ang magulang: Yung car nga niya ang luma-luma na
LUMAKING well-off ang isang aktres dahil may kaya ang kanyang magulang na hiwalay na ngayon pero hindi naman siya pinabayaan ng ama dahil sustentado pa rin siya hanggang ngayon.
Pati pag-aaral niya ay ginastusan ng ama dahil sa magandang eskuwelahan siya pinag-enroll, yun nga lang hindi pa siya tapos dahil sa busy schedule sa showbiz.
Suportado ng magulang niya ang aktres kaya hindi naman siya minamadaling magtapos dahil gusto ng aktres na magkaroon siya ng sariling pera at iniipon pala niya iyon.
Kuwento ng isang kaibigan ng aktres, “Matipid siya as in. Kung ano lang ‘yun need niya sa shoot yun lang bibilhin niya. Wala nga siyang masyadong ginagastos. ‘Yung sasakyan nga niya old na as in pero hindi niya pinapalitan kasi nagagamit pa raw.”
Totoo naman talagang maganda pa rin naman ang kotse niya kaya hindi nagpapalit ang aktres kahit na panay ang sabi ng magulang na magpalit na pero dedma ang dalaga.
Hanggang sa nagsawa na yata ang magulang ng aktres sa kasasabi kaya binilhan na siya mismo ng bagong sasakyan na magagamit nito sa shooting at taping niya kaya tuwang-tuwa siya.
“Suwerte niya, generous ang fadir kaya give siya ng new car, ang gara nga,” say ng kaibigan ng aktres.
Kapag lumalabas ng bansa ang aktres ay may pabaon din ang ama kahit kasama ang mommy nito, “Super responsible si fadir kaya naman walang masabi ang anak kahit hindi na buo ang pamilya.
“Si fadir may iba ng family, ang madir naman ni ____ (aktres) may dyowa na rin. Pero okay naman siya kasi mabait sa kanya ang partner ng mudra niya.”
Negosyante ang tatay ng aktres at gayun din ang nanay niya kaya pala tungkol sa business ang kurso niya dahil tila ipagkakatiwala sa kanya ang negosyo ng ina pagdating ng araw.
“Hindi puwedeng mamana niya ang negosyo ng fadir, may mga kapatid, eh. Baka give na lang siya ng puhunan,” say ng kaibigan ng aktres.
Sa kasalukuyan ay may boyfriend ang aktres at boto naman ang magulang niya sa guy dahil nakitaan naman ito ng kabaitan. Wish nga ng mga kaibigan n asana hindi sila maghiwalay at sana sila na rin hanggang dulo.
Aljur, Kylie OK na uli ang ‘relasyon’ bilang magulang ng 2 anak; AJ may promise sa mga ‘Marites’
Derek takot na takot nang magka-COVID ang magulang: The scariest thing I’ve experienced in my life
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.