Aljur, Kylie OK na uli ang 'relasyon' bilang magulang ng 2 anak; AJ may promise sa mga 'Marites' | Bandera

Aljur, Kylie OK na uli ang ‘relasyon’ bilang magulang ng 2 anak; AJ may promise sa mga ‘Marites’

Ervin Santiago |March 06,2022
facebook
share this

Aljur, Kylie OK na uli ang ‘relasyon’ bilang magulang ng 2 anak; AJ may promise sa mga ‘Marites’

Ervin Santiago - March 06, 2022 - 07:16 AM

AJ Raval, Kylie Padilla at Aljur Abrenica

OKAY na okay na ang co-parenting status ng nagkahiwalay na celebrity couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Mismong sina Kylie at Aljur na ang nagkumpirma na maayos na uli ang kanilang relationship bilang mga magulang ng dalawa nilang anak — sina Alas at Axl.

Sa isang interview, sinabi ni Aljur na mas madalas niyang nakakasama ngayon ang mga anak dahil nasa lock-in taping si Kylie para sa bago nitong teleserye sa GMA, ang “Bolera.”

“Okay kami, lalo na sa mga bata,” sabi ni Aljur. “Oo, nasa taping siya. Ginagawa niya ang Bolera,” dagdag pang chika ng hunk actor patungkol sa pagtatrabaho ng kanyang dating wifey.

Isa pa sa patunay na maayos na muli ang pakikitungo sa isa’t isa ng former couple ay ang pagla-like ni Kylie sa isang video ni Aljur kasama ang rumored girlfriend nitong si AJ Raval.

Hindi pa umaamin sina Aljur at AJ tungkol sa tunay na score ng kanilang relasyon pero naniniwala ang madlang pipol na matagal na silang magdyowa at naghihintay lamang ng tamang panahon para ibandera sa buong universe kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

View this post on Instagram

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Kung ang pagbabasihan ay ang huling pahayag ni AJ na hindi niya ipagdadamot ang kanyang lovelife sa publiko at nag-promise pa na magbibigay siya ng update kapag official na ang relasyon nila ni Aljur.

Ito ang reply ng sexy star sa netizen na nagtanong sa kanya ng “Kayo na ba?” na ang tinutukoy nga ay si Aljur.

Sagot ni AJ, “Sobrang cool lang namin ni Aljur, masaya kami sa mga situation namin. May mga priorities at problema na dapat unahin.”

“Huwag ka mag-alala, ‘pag official na, updated ka,” dugtong pa ng dalaga.

Isa pang IG user ang nagtanong sa kanya ng, “Bakit si Aljur? Kahit nakakasira sa career mo at naging masama ka pa sa ibang tao dahil sa kanya?”

Diretsahang sagot ng anak ng action star na si Jeric Raval, “Hindi naman importante sa akin ang opinyon ng ibang tao. Ang importante, ang opinyon ng malapit na tao sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sana makita niyo si Aljur kung paano ko siya nakikita. Napakabuti ng puso ng taong ‘yun, kung paano niya mahalin ‘yung anak niya, ‘yung pamilya niya, kung paano siya tumingin sa mga tao — pantay-pantay,” ang pagtatanggol ni AJ sa kanyang rumored boyfriend.

Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me

Ina ni AJ Raval tinawag na ‘anak’ si Aljur; nagpapasalamat dahil hindi sila pinabayaan

Aljur nakipag-bonding sa mga anak: My heart is full

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending