Ice ibinandera ang sikreto sa 10 taong relasyon nila ni Liza, umaming nag-aaway din: 'Our goal is to be happy, to stay together forever!' | Bandera

Ice ibinandera ang sikreto sa 10 taong relasyon nila ni Liza, umaming nag-aaway din: ‘Our goal is to be happy, to stay together forever!’

Ervin Santiago |August 03,2023
facebook
share this

Ice ibinandera ang sikreto sa 10 taong relasyon nila ni Liza, umaming nag-aaway din: ‘Our goal is to be happy, to stay together forever!’

Ervin Santiago - August 03, 2023 - 06:57 AM

Ice ibinandera ang sikreto sa 10 taong relasyon nila ni Liza, umaming nag-aaway din: 'Our goal is to be happy, to stay together forever!'

Liza Diño at Ice Seguerra

NAGPAKATOTOO ang OPM icon na si Ice Seguerra sa pag-amin na may pagkakataong nag-aaway din sila ng kanyang asawang si Liza Diño.

Tulad ng iba pang mag-partners in life, bahagi na talaga ng buhay ang magkaroon ng bangayan at hindi pagkakaunawaan hinggil sa iba’t ibang isyu ng pakikipagrelasyon.

Pero ayon sa award-winning singer-songwriter, sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa pagsasama nila ni Liza, napapanatili pa rin nilang matatag at solid na solid ang kanilang married life.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)


“Our goal is to be happy. To stay together forever and be happy, that’s the goal,” ang pahayag ni Ice sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Martes.

“Of course there will be fights, there will be challenges, so we always communicate and listen to each other,” dugtong pa ng aktor at singer.

Isa raw sa pinakamahalagang aspeto sa relasyon ay ang komunikasyon dahil naniniwala si Ice na lahat ng problema o isyu ay pwedeng pag-usapan nang maayos at masinsinan.

“And when we say communicate, it’s not just ‘yung typical surface level communication. We go deep dive to the hard conversation.

“To the point that even if we cry, even if sometimes magkataasan kami ng boses, we will do it because what we have is something worth fighting for,” paliwanag ni Ice.

Aniya, napakaimportante na naririnig ng bawat isa ang kani-kanilang paliwanag, kumbaga bawal judgmental muna ang pairalin bago sumabog ang emosyon.

“I think sometimes when you’re in a relationship you fall to the trap na ‘Ako ang tama, ikaw ang mali’ ‘Tama ka, mali ako.’

Baka Bet Mo: Bitoy dedma pa rin sa mga patutsada ni Rendon Labador; pinatunayang may ‘forever’ sa 25 years na pagsasama nila ni misis

“But kapag hindi natin narinig ang side ng bawat isa and most often than not we always have our own sides to tell doon sa story na meron tayo,” paliwanag pa ni Ice.

Turning 11 years nang magkarelasyon sina Ice at Liza sa January, 2024. Sa kanyang 10th anniversary message sa asawa, muli niyang ipinaramdam dito ang kanyang pagmamahal at pagrespeto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)


“Sampung taon mula nung nagkita tayo ulit para mag tanghalian. Sinong magaakala na ‘yon pala ang simula ng aking habang buhay. Mula noon, alam kong hindi na kita kayang mawala ulit dahil ikaw lang ang gusto kong makita sa tuwing pag gising at ang tanging hahalikan bago matulog.

“Kamay mo lang ang nais hawakan habang tinatahak ang magulong mundo. Boses mo lamang ang nagpapakalma sa kaluluwang pagod. Ikaw lang.

“Sa harap ng ating mga magulang at malapit na mga kaibigan. Isang pangarap na hindi ko kailanman inasahan na matutupad. Pero posible ang lahat dahil magkasama na tayo. Nakakayang abutin ang mga dating pangarap lamang dahil hindi na ako nagiisa sa pagtupad nito, magkasama na tayo.

“Ikaw ang aking ligaya, ang aking walang hanggan. Ikaw lang. Sampung taon na tayong naglalandian! Happy 10th year to us, mahal kong asawa,” ang kabuuang mensahe ng singer kay Liza.

Ikinasal ang dalawa sa Amerika noong December, 2014 na sinundan pa ng intimate wedding ceremony sa Batangas na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Derek, Ellen 3 beses pa lang nag-aaway: Pareho kaming may strong personality, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit biglang nag-sorry si Julia sa host ng online show habang ini-interview?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending