Derek, Ellen 3 beses pa lang nag-aaway: Pareho kaming may strong personality, pero... | Bandera

Derek, Ellen 3 beses pa lang nag-aaway: Pareho kaming may strong personality, pero…

Ervin Santiago |May 09,2022
facebook
share this

Derek, Ellen 3 beses pa lang nag-aaway: Pareho kaming may strong personality, pero…

Ervin Santiago - May 09, 2022 - 07:26 AM

Ellen Adarna at Derek Ramsay

WALANG pag-aalinlangang inamin ni Ellen Adarna na may mga pagkakataon na nag-aaway din sila ng kanyang asawang si Derek Ramsay.

Aniya, normal lang naman daw talaga sa isang married couple ang magkaroon ng “clash” o pagtatalo lalo na kapag hindi magkasundo sa partikular na bagay o issue.

Pero ayon sa mag-asawa hindi nila pinatatagal ang “away” at agad nilang pag-uusapan ang problema hanggang sa mahanap nila ang solusyon at maayos ang hindi nila pagkakaunawaan.

“Of course normal lang naman mag-away, not away like argue and stuff or we have fights. But now, all the time mga three times lang siguro the whole year?” ang pahayag ni Ellen sa panayam ni Nelson Canlas sa kanyang online show na “Updated” nang matanong kung nagkakaroon din ba sila ng lovers’ quarrel.

“I think it’s more about understanding the love language and the stress,” dagdag ng dating sexy star.

Naibahagi pa ng celebrity mom kung ano ang nangyayari kapag meron silang pinagtatalunan ni Derek bilang nagsisimula lamang sa buhay may asawa.

“When I start it, so I want to end it right. Ito (Derek) kapag na-start na, oh my God! Ang tagal bago matapos. Ha-hahaha!” chika ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)


Hirit naman ni Derek, “Kasi ayaw ko nang maulit! Kapag mayroon kayong pinagdaanan or you’re arguing about something, tapos para mawala na lang ‘yung stress.

“Ako rin gusto ko mawala ‘yung stress, pero you are just going to delay for the next episode, might as well ibabad na natin ang sarili natin dito. Tapusin na natin para it doesn’t happen again,” paliwanag ng hunk actor.

Nagkasundo naman sila sa pagsasabing marami silang ugali na magkapareho pero may ilang pagkakaiba rin. Una na raw diyan ang pagkakaroon nila ng “strong”  personalities

Sabi ni Ellen, “There are a lot of things that are similar, but also opposite. We both have very strong personalities.”

Sumang-ayon naman si Derek sa kanyang misis, “That’s probably why people thought we would clash, but a lot of people say we get along is because we both are not insecure people. We are both very alpha.”

“But, ‘yung pagka-alpha namin you’d think it would clash, ‘di ba? Having two alphas getting together. You’d expect it would clash,” katwiran ni Derek.

Pero sey naman ni Ellen, “Cause I’m mature” na sinagot ni Derek ng, “And I’m more mature.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, ginulat ng magdyowa ang publiko nang ibandera nila ang kanilang engagement makalipas lamang ang ilang buwan at noong Nov. 11, 2021 ay ikinasal na nga sila sa Rancho Bernardo Luxury Villas mountain resort sa Bagac, Bataan.

Barbie Forteza, Jak Roberto 5 years nang magdyowa, netizens napa-wow

Dimples magtatayo ng school for acting & personality development: bukas sa lahat ng gustong umarte

Para kay Agot, dapat maging presidente ng Pinas ay ‘strong, fearless, inspiring leader’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending