Roderick Paulate tried and tested na ang friendship kay Maricel Soriano: Ilalaban ako n'yan! | Bandera

Roderick Paulate tried and tested na ang friendship kay Maricel Soriano: Ilalaban ako n’yan!

Therese Arceo |February 26,2022
facebook
share this

Roderick Paulate tried and tested na ang friendship kay Maricel Soriano: Ilalaban ako n’yan!

Therese Arceo - February 26, 2022 - 09:01 PM

Roderick Paulate tried and tested na ang friendship kay Maricel Soriano: Ilalaban ako n'yan!

MULING nagkita ang matalik na magkaibigan at parehas na batikan sa industriya na sina Roderick Paulate at Maricel Soriano.

Sa latest vlog ni Maria ay ibinahagi niya ang masayang kulitan ng dalawa habang namamalengke sila sa may Dampa.

Matapos ang kanilang pamamalengke ay tila nagkaroon ng mukbang habang nagka-catch up ang dalawa dahil sa tagal na rin ng panahon nilang hindi nagkikita.

Mukhang hindi nagkakasundo noon ang schedule ng dalawa lalo na at sa magkaibang network ang kanilang trabaho.

Ngunit hindi naman nakalimutan ni Maricel ang recent achievement ng kaibigan na nanalo sa Star Awards para sa teleserye nitong “One of the Baes”.

Nagbaliktanaw naman ang dalawa kung ano ang mga hindi makakalimutang memories sa isa’t isa.

“Hindi ko makakalimutan ‘yung Batman, ‘yung kotse mo. Kasi bata ako, e. ‘Yung red. Batman talaga. Parang ang feeling ko safe na ako. Parang I can be me (myself) na kasi nandyan na siya e,” pagbabahagi ni Maricel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Soriano (@officialmaricelsoriano)

Dagdag pa niya, “He’s a warm person. No hullabaloos pero you have to get to the point kasi kapag hindi, alam niya kapag pinapaikot mo siya.”

Kinuwento rin ni Maricel ang kanyang naging obserbasyon kay Kuya Dick noong mga bata pa sila.

“Bata pa lang kami, nagpupurihan na kaming dalawa. Parang sinasabi nya na ‘Huwag kang magsasalita ng ganyan kasi hindi lang naman ako, ikaw rin!’ parang ganon sa kanya,” paglalahad ni Maria.

Kwento naman ni Kuya Dick, “Si Maria kasi makikita mo, bata pa lang, ano ka na, totoo ka na. ‘Yung kapag may nagugustuhan ka, kahit ikaw yung bida, nilalapitan mo yung kasama mong artista, [sasabihin mo] ‘Ang galing galing mo!’

“Kapag sinabi mong galing, ilalaban ako n’yan. Kapag sinabi mong husay, ilalaban ako n’yan. Sabihin mong gwapo ako, uuwian yan. Sasabihin n’ya, ‘lokohan na yan e’.”

Meron pang juicy na kwento si Maricel kung saan tila ayaw pang ipakwento ni Kuya Dick pero itinuloy pa rin niya ang chika.

May pagkakataon raw na nang magpunta si Maria kila Kuya Dick ay wala ito sa bahay. Tinanong niya ang ina ng komedyante kung ano ang suot na sapatos at doon pa lang ay alam na niya kung saan ito makikita.

“Sinugod ko siya. Sabi ko, ‘Sumakay ka! Hindi ako aalis dito nang hindi ka nakakasakay sa kotse ko. Magkamatayan na tayo dito!'” kwento ni Maricel.

Ang ending nga ay naiuwi niya nang maayos ang kaibigan sa bahay nito.

Nakwento rin niya na maski sa lovelife ay may sila sa isa’t isa pero sa kabila non ay labis ang pasasalamat ni Roderick na may isang Maricel Soriano sa kanyang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya mula sa aking puso, sinasabi ko sa ‘yo Dick na forever mo akong magiging kaibigan. Hindi ako mawawala sa tabi mo. At kung kailangan mo ako, just call me and I’ll be there in a hurry,” saad ni Maricel.

Sey naman ni Roderick, “Ako din. Parang I don’t see myself living my life until the end without you. Parang hindi na mabubura ‘yon.”

Related Chika:
Maricel umaming napariwara ang buhay: Masalimuot, madilim at mag-isa ka lang
Maricel sa cast ng ‘Ang Sa Iyo Ay Akin: Sa totoong buhay, hindi kami nagbabangayan, nagmamahalan kami

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending