Maricel sa cast ng 'Ang Sa Iyo Ay Akin: Sa totoong buhay, hindi kami nagbabangayan, nagmamahalan kami | Bandera

Maricel sa cast ng ‘Ang Sa Iyo Ay Akin: Sa totoong buhay, hindi kami nagbabangayan, nagmamahalan kami

Ervin Santiago |March 10,2021
facebook
share this

Maricel sa cast ng ‘Ang Sa Iyo Ay Akin: Sa totoong buhay, hindi kami nagbabangayan, nagmamahalan kami

Ervin Santiago - March 10, 2021 - 01:15 PM

WALANG kaplastikan ang pagmamahal at respeto na ibinibigay ng buong cast ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” kay Maricel Soriano.

At feel na feel yan ng nag-iisang Diamond Star kaya naman ibinabalik din niya sa mga ito ang love and respect na ipinararamdam sa kanya mula pa noong magsimula silang mag-taping.

Ayon kay Maricel, na-enjoy niya nang bonggang-bongga ang lock-in taping para sa kanilang serye na sinimulan nga noong kasagsagan ng community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

“Talagang naramdaman ko rito yung masayang-masaya ako. Masaya ako sa set. Pamilya kami talaga na may kasamang puso. Masaya kasi kami sa set kaya hindi kami nalulungkot o naiinip.

“Wala sa aming vocabulary yung naiinip kasi wala kaming ginawa kundi magchikahan nang magchikahan. Kaya ang saya namin sa set.

“Kapag nagkamali kami tumatawa na lang kami. Kaya yun yung isa sa mga bagay na nakakatuwa sa aming samahan,” pahayag ni Marya sa nakaraang digital finale mediacon ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya channel.

Sinabi rin ng award-winning actress na kahit ilang dekada na siyang nasa showbiz, marami pa rin siyang natututunan sa ginagawa niyang  mga bagong proyekto

“Meron akong natutunanan. Lagi naman akong hindi natatapos sa gusto kong matutunan. Kasi kagaya niyan, kino-consider ko na blessed ako dahil sa mga nakakatrabaho ko na professional and very punctual.

“So nakikita ko sa kanila yung dedication sa pagtatrabaho nila. Kasi minsan matagal ang set up,” kuwento pa ni Marya.

Sa nalalapit na pagtatapos ng nasabing Kapamilya series ngayong  Women’s Month, nabanggit din ng aktres na napakaswerte niya na naging bahagi siya nito at nabigyan ng chance na makatrabaho ang magagaling na aktres tulad nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria.

“Alam niyo, sa totoong buhay, hindi kami nagbabangayan. Nagmamahalan kami. At saka nakakalaki ng puso, nakakataba ng puso kasi ganu’n na lang yung respeto nila sa akin.

“Ganu’n na lang yung nakikita long pagmamahal nila. Kaya love na love ko rin sila. Kasi alam mo naman pag put on lang. Hindi sila put on. Sila talaga lahat mahal ko,” aniya pa.

Samantala, nahingan din siya ng reaksyon tungkol sa younger cast members ng kanilang serye tulad nina Grae Fernandez at Kira Balinger.

“Nandiyan ako para ituro ang gagawin. Kailangan mo kasi ibigay pag hinihingi. Pero pag hindi hinihingi tumatahimik ako kasi baka may sarili siyang idea niya kung papaano iinterpret yung particular scene.

“Hindi ko sila pinapabayaan. Ganu’n palagi. Nag-adjust rin ako. Kailangan mo sila bigyan ng chance to explain. Hindi natin alam kung ano pinagdadaanan ng tao di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi tayo basta magagalit kasi hindi lalo malalaman kung ano rason behind. Kaya dapat binibigyan natin ng pagkakataon yung mga bata magsalita,” diin pa ng Diamond Star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending